Dahil sa nka 1k reads na ito, update update din pag may time ^_^ enjoy readers :)))

Chapter 5: Hindi pwede....

Kinabukasan pagpasok ko sa school nakita ko na agad ang gwapong si Jm, ay este ang Kaibigan ko, tss. Iiba na sana ako ng daan kaso nakita nya ako.

"Sunny!" Agaw pansin ang pagsigaw nya sa panagalan ko, ikaw ba naman tawagin ng lalaking gwapo samalantala yung ibang kababaihan halos umiyak na mapansin lang ni jm hays.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako palayo o mahihimatay nalang, bakit ba ganito ako ngayon sa kanya, masyado na kasi syang nagmatured napaka gwapo nkakahmatay.

"Sabay na tayo." Sabay akbay nya sken, nanlaki nalang ang mata ko gosh yung kabog ng dibdib ko parang walang katapusan ang bilis. 

"Ah- eh Jm, wag kana umakbay." Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Hah? Bakit? Magkaibigan naman tayo." Medyo napaseryoso ang mukha nya.

"Oo nga magkaibigan tayo, Bestfriend. Eh ang kaso madaming tao ang nakatingin sa atin, akalain pa nila na boyfriend kita." naglakad nko palayo.

"Eh Sunny Boy-Friend mo naman ako diba?" Sumigaw sya, napahinto ako sa paglakad, madaming nakatinging mata sa amin, Gosh jm ano bang pinagsasabi mo. Naramdamam ko nalang ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Boy-Friend mo ako dba, As in Boy na friend." Sabay tawa nya, tss nkakaaasar!

Pagpasok ko sa room......

"Hoy Sunny sino yung guy na kausap mo kanina? Amo mo? Hahaha!"

"Anong pangalan nya?"

"Pano kayo naging close?"

Hayyyyyss ayoko sa lahat yung ganito, feeling ko masisira na image ko kahit sira naman na.

Hanggang sa pag-uwi hindi ako tinantanan ng mga classmates ko pati na rin mga student na taga ibang section.

"Tara na Sunny." pahamak.

"Sumakay ka, humawak kang mabuti sa akin." ehh may dala pala syang motor. hindi ko alam kung sasakay ako, first time ko sasakay ng motor nkakatakot kaya.

"Tara na ano pa hinihintay mo dyan?' Hinatak nya ako't sinuutan ng helmet. Pag upo ko napayakap ako sa kanya, waaaaaaa sabay bitaw. Muntikan na akong mahulog.

"Ano ka ba Sunny, kumapit ka mabuti." Naiiyak na, kinakabahan ako habang nakayakap sa kanya, natatakot ako baka maaksidente kami, tapos tong helmet ko maluwag pa sken tumatabingi tuloy. Nahihirapan akong iaayos plus yung bag kong shoulder bag pwedeng mahulog nalang to.

Pagdating namen sa bahay, nakita ko si Robyn papasok palang sa bahay nila. Kumaway ako, pero di nya naman ako pinansin. Buong araw sa school tahimik lang sya feeling ko nga absent sya knina, hindi ko naramdaman ang presensya nya.

"Grabe Jm, ayoko nang sumakay dyan sa motor mo! Feeling ko nanganganib buhay ko." nagtawanan lang kami, maya-maya ay umalis na sya. Pumasok ako sa bahay na mgay ngiting tagumpay Haha.

"Oh Sunny andito ka na pala." nag mano ako kay mama, "Hinatid po ako ni Jm, gamit motor nya." Umakyat na ako't nagpalit, pagbaba ko sa sala may lalaking nakaupo.

"Robyn, eto oh pakidala sa inyo." Lumabas si mama galing kusina na may dalang pagkain. Meryenda yata, ganito samen palaging nagbibigayan ng pagkain, ulam etc. sa kapitbahay.

"WANTED: BOYFRIEND"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!