Chapter 2

49 0 0

Julius POV

Bata lang ako ng maulila ang sa ama. Pinatay si Papa nung bata palang ako. Akala ni Mommy wala pa akong alam sa nangyayari, pero alam ko na yung kalaban ni Papa sa pulitika ang may kagagawan ng mga iyon.

Lumipat na kami ni Mommy sa Manila dahil dito naman siya lumaki. Dahil doctor si Mommy walang hirap na nakalipat kami dito. Si Mommy nalang ang nakasama ko sa buong pagbibinata ko.

Mama's Boy nga ako sabi ni Lola. pero hinahayaan lang ni Mommy dahil ako lang naman ang nakakasama niya.

Nagulat ako ng isang araw may isang lalaking nanligaw kay Mommy. Wala naman akong karapatan pagbawalan si Mommy lalo na kung yun ang ikasasaya niya. Nakasundo ko naman ang bago kong Daddy, di naman siya kagaya ng iba. Mabait siya, maalaga at mapagmahal kaya alam ko okay si Mommy sakanya.

Paglipas ng taon nabuntis si Mommy, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pero syempre pinakita ko kay Mommy na masaya ako. Nang ipinanganak si Lalaine tuwang tuwa si Mommy syempre may baby girl na sila pero ako natatakot akong makalimutan ako nila mommy. at hindi nga ako nagkamali. habang lumalaki ako si Lalaine nalang lagi ang iniintindi ni Mommy.

Dito ako nagumpisang lumayo kila Mommy. Mas gusto ko ng kasama yung mga barkada ko at lagi na akong ginagabi. Oo malambing pa din ako kila Mommy pero di na kagaya noon. Sabi ni Mommy mahal niya kami ni Lalaine pero iba ang pinapakita niya.

Pinagaral ko ni Mommy ng High School sa De Los Santos University isa sa pinakasikat na school sa bansa pero sinayang ko ng pagkakataon kasi wala pang 1 week ang pasukan expulsion agad ang inabot ko. Di kasi ako nakapagpigil ng galit kaya nasapak ko yung kaklase ko. Kasalanan ko bang mapang-asar siya. Ayun, kinailangan kong dumaan sa Psychiatric Therapy, sabi kasi sa school disoriented daw ako at di ako marunog makihalubilo sa iba.

Nang matapos ko ang therapy, sa isang College ako pinasok ni Mommy, Augustine College nagooffer sila ng Home School.

Dito kaya ako magbago, dito ko kaya makikilala ang taong magbabago ng lahat. Ang papawi sa lahat ng galit at lungkot ko....

Little Daddy's Girl Played with  Mama's BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!