UPDATE !

SHORT UPDATE LANG PO ITO KASI MOBILE LANG ANG GAMIT KO ...

NO DEDICATION FOR THIS CHAP ..

Sa gusto ng dedication, leave a comment for this chap then pipili ako kung kanino ang may pinakamagandang comment!

NEXT UPDATE WILL BE POSTED IF THIS CHAPTER REACH 20+ VOTES AND 5+ COMMENTS.. KAPAG HINDI UMABOT ...

NO UPDATE 'TILL NEXT MONTH !

THANK YOU !

ENJOY THIS CHAPTER !

----------------------------

Chris' POV

Pagkatapos ko matanggap ang tawag ng P.I ko ay agad ako nagpabook ng ticket pabalik ng Pilipinas. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng pagod ko ng marinig kong nanganak na si Kate. I badly wanna see my child— my own blood and flesh.

Tinawagan ko ang PI ko para icheck ang kalagayan ng mag- ina ko.

*Kriiiiinnnnngggg... Krrrrriiiiiiiinnnnnngggg....*

"Hello sir?"

"Kamusta yung mag-ina ko?" agad kong tanong sa kanya.

"Okay lang ho, sir. Nasa isang private room na po yung misis niyo at kapapasok lang po ng nurse sa room para ibigay yung baby niyo." balita nito sa akin.

"Good... Pauwi na ko ngayon, magkita tayo dyan sa ospital. Hintayin mo ko dyan." sambit ko dito.

"Copy, sir.." sagot nito.

Magkikita na tayo Kate ... Babawiin ko kayo...

-------

Kate's POV

Kasalukuyan kong tinititigan ang baby kong natutulog ngayon. Parang unfair nga eh kasi most of the features he has is from his father especially his eyes.

"Baby ... bakit naman parang halos lahat nakuha mo sa daddy mo ?" parang tanga kong tanong sa anak ko.

"Kasi ako ang Daddy niya ! "

O M G ! ! ! 

That voice ! I slowly turn my face ...

Natulala ako ! I don't know how long pero...

"Don't you miss me, HON ?"

"C-chris.. " napahawak ako ng mahigpit sa baby ko pagkatapos kong sabihin ang pangalan ng lalaking hindi ko inaasahang makita ngayon.

"Kate ... Hon, we need to talk ! "  malumanay na sambit nito.

"Chris, wag ngayon ! Ayoko .." sambit ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi pero yun lang yung lumabas sa bibig ko eh ...

"Alam kong anak ko yan ! Kate, patawarin mo ko.. Hayaan mo kong magpaliwanag .. Ayusin natin 'to.."  pagmamakaawa niya.

"C-chris ... maawa ka naman sakin .. Wag ngayon .. Kakapanganak ko lang .. Parang awa mo na .." naioyaj kong pakiusap sa kanya.

Natatakot ako na baka saktan niya ko. Natatakot ako na masaktan yung anak ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may phobia na ko sa kanya. Feeling ko sa tuwing lalapit siya sakin sasaktan niya ko tulad ng ginagawa niya sakin dati.

Pareho kaming nagulat sa pagbukas ng pinto....

Iniluwa nito ang magkasintahang Roi at Abby.

"Chris..." sambit ni Roi.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chris kay Roi.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan ? ANONG GINAGAWA MO DITO ? " ganting tanong ni Roi sa kanya.

"Ako? Nandito ako para sa ASAWA ko! Para sa ANAK ko." madiing sagot ni Chris sa kanya. Bakas dito ang galit at inis.

"Ahhh ... So may gana ka pang  bumalik at magpakita pagkatapos ng lahat ng ginawa mo kay Kate ? Kapal din ng apog mo eh noh !" sagot dito ni Roi.

Napasinghap kaming lahat sa kwarto ng sapakin ni Chris si Roi..

"CHRIS !" awat ko dito ng akmang susuntuking muli si Roi.

"Ano Kate ? Ipagtatanggol mo 'tong lalaki mo? Ipapaako mo yung anak ko sa gagong 'to ? " galit na baling nito sa akin.

"YAN .... DYAN KA NAMAN MAGALING EH .. SA MAGBINTANG ! HINDI MO PA ALAM LAHAT PERO NANGHUHUSGA KA NA !  BAKIT KA PA KASI NAGPAKITA ULIT HA ! PINABAYAAN NA KITA ! BINIGAY KO NA YUNG GUSTO MONG ANNULMENT ! ANO PA BA ? ANO PA NANG GUSTO MO SAKIN ! " galit na sigaw ko dito. Nakakakulo siya ng dugo!

"Umalis ka nalang dito,Chris !" madiing sabi ni Roi ..

Tinignan siya ni Chris atsaka lumapit sa pinto.

"Aalis ako ngayon .. Pero sa susunod nating pagkikita

KUKUNIN KO ANG BATA....

KASAMA KA !"

--------------------------

TBContinued.....

UNEDITED !!!

NEXT UPDATE WILL BE POSTED IF THIS CHAPTER REACH 20+ VOTES AND 5+ COMMENTS.. KAPAG HINDI UMABOT ...

NO UPDATE 'TILL NEXT MONTH !

Thank You !!!

-GeeLove

Way Back Home (AWWBTHHH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!