Chapter 12

22 1 0

Chapter 12

Bench's Pov

It's been a week since nung maka kulitan ko sila sa Masyon nila Kris. Aba, ayokong tawaging bahay yun. Masyadong malaki.

And it's been a week na kinukulit ako nung tatlo- Luke, Kris, and Kaifer. Kung kailan daw ba babalik ang 'KAKAMBAL' kong si Erica.

Ang excuse ko nalang ay, 'She went back to Italy. Doon talaga sya naka tira. Bumibisita lang sya dito pag free yung sched. nya.'

I think masyado ng malaki ang atraso ko sa Band Aid. Lahat ng ipinapakita ko sa kanila ay kasinungalingan. Pero sila, naging totoo sila sa akin. Pero anong magagawa ko? I started it, I must end it. Pero hindi ngayon. Hindi pa ngayon.

"Hoy! Bench! Practice na! Nag de-daydream ka nanaman dyan! Mukha kang gago!" sigaw ni Paul. Tse! Simula ng nakita nya kami sa ni Toni sa likod ng bahay nila Kris, ganyan na sya. Masungit. Ewan ko ba dyan, ang weird.

"Oo na! Ang sungit nito! Litsi!" sumunod na ako sa kanya papuntang Practice Room.

Ugh! Bakit ba kasi ang layo ng PR sa Cafeteria?

Habang paalis kami, may naririnig akong bulungan.

"Ayt. Ang gwapo talaga nyan ni Baby Anthonnie eh." Hmp! Inaagawan pa ako! XD

"Sinabi mo pa! Lahat naman sila eh! Kaso, mukhang babae si Benchie!" Whut? Benchie!? Ang cute! Kaso parang hindi pang lalaki eh.

Nakita kong napa-ngiti ni Paul. Pinipigilan nya lang yung tawa nya!

"Oh? Bench? Ba't parang crumpled paper yang mukha mo?" naka-ngising tanong ni Paul.

"Nakita kasi kita eh. May allergy ako sa panget. Kaya ayan lumulukot yung mukha ko." at tuluyan na akong nag lakad.

"Boom! Panes ka pala ni 'Benchie' eh!" sigaw ni Kris. Tss. Benchie nanaman. Ang cute eh! Kaso baka paghinalaan nila ako.

"Ewan ko sa inyo. So, kailan nga ulit yung laban sa Battle of the Bands dyan sa Plaza?" pag iiba ko ng topic.

"Aw! Next week na. Pero hindi pa din tayo maka-pag practice ng matino." sabat ni Toni na kanina pa tahimik.

"What!?" sigaw naming lahat ng makapasok kami sa PR.

"Tsk. If Bench just attended last week? Okay na sana tayo ngayon." tsk. Sinisi pa ako nito ni Luke.

"Okay! Okay lang yan guys. Pumili nalang tayo ng song. Kristoff at Luke na bahala sa bass, si Paul sa piano, Si Kaifer naman sa drums. Ako, vocalist. At si Bench, second voice. Final?" pagpapaiwanag ni Toni. Ayos na din yung second voice ako.

"Sige!" pag sang-ayon naming lahat.

"Uhmmm.. Anong song?" tanong ni Paul. Ay, yun lang. Ang hirap pumili ng song.

"Without you?" tanong ni Kris.

"Yah! That song is great!" sigaw ko. Duh? Ang ganda kaya nun. Super!

"Paul, Kaifer? Is that song okay?" tanong ni Toni kila Kaifer at Paul.

Si Paul, tumango lang. Nag thumbs-up naman si Kaifer.

"So, it's final! Without you!" sigaw ni

"Oh? So tatanga tayo dito? Ayusin nyo na yung intruments!" sigaw nung dalawang K.

Tss. Kung makapag-utos tong' dalawang to. Sila nga yung walang ginagawa. -.- Azar ha.

"Kaifer, Kristoff?" naka-smirk pa na sabi ni Toni. Tsk. Dyan lang naman sila takot eh. Kay boss.

"Oo nga, boss eh. Mag aayos na nga tayo ng intruments diba Kris?" nilakihan pa ng mata ni Kaifer si Kris. Fusha, yung pink. Mukhang ewan lang si Kaifer, kasi binabalewala lang sya ni Kris.

Nang na ayos na namin yung mga intruments na gagamitin, pumunta na silang lahat sa kitchen. Ayan nanaman sila. Kung kailan kami may ginagawa tsaka nila gustong kumain. Anlabo talaga ng mga to.

"Benchie! Asan ulam namin?" sabi ni Paul. Kalurki to! Kung makapag tanong sakin kung asan yung ulam NILA! Litsi. Ano ko dito? Tagapag-luto nila?

"Andyan sa oven. Ikaw na mag plating. Tinatamad na ako eh." sagot ko. Lagi nalang ako nag de-design ng pagkain nila. Whahaha. Gusto daw nila yung may smiley face lagi yung design eh. Ang mga isip bata.

"Wag na! Si Bench nalang! Walang smiley pag si Paul ang nag plating!" reklamo ni Kris. Diba? Gusto talaga nila ng may smiley face ang pagkain. Mag aapat na bwan ko na silang kasama. Alam ko na kung ano talaga yung gusto nila.

"Tsk. Bahala kayo sa buhay nyo! Hoy! Bechie! Ikaw daw mag plating! Karatehan nitong bading na to eh." sinamaan pa ng tingin ni Paul si Kris. Maka-punta na nga sa kitchen para makuha yung pagkain! Naka-ayos nanaman talaga yun eh.

"Oh! Eto na pagkain! Mag-aaway pa kayo dyan!"

"Wow! Buttered shrimps!" yeah. Buttered shrimps. Nakapag-tataka ba kung pano ko nagawagang smiley face yun? Well, the sause is the eyes and nose. Then, yung buttered shrimps naman yung smiling lips.

And tadah! May smiling buttered shrimps ka na!

"Jeeeez. Ang sarap ng shrimp!" sabi ni Paul. Ay, nakalimutan ko. Super duper addict sya sa hipon! Just like Melody- his ex. Hipon! Ayos naman yung itsura nya. Pero, ugh! Hipon padin sya.

"Uhmm.. guys. I have something to discuss after this." seryosong sabi ni boss. Ano naman kaya yun?

Nang matapos kaming kumain, pumunta kaming lahat sa sala. Dahil nga, may sasabihin daw si Toni sa amin.

"Guys! Sa boracay gaganapin ang Battle of the Bands 2014!" what!? Akala ko ba sa plaza lang? Pero, it's good na din. Matagal-tagal na din akong di nakaka-punta dun.

"That's good." sabi ko. Agad namang tumingin si Paul sa akin. Hindi ko mabasa ang mga emosyon na rumirehistro sa mukha nya.

"Edi wala na tayong classes?" yup. Suportado kami ng school. Actually last month pa dapat kami walang classes. Kaso ayaw ni Toni. Ang KJ nya nga eh.

"Yes." sagot ni Toni.

"Yun! Tara nat' mag practice!" sabi ni Kris. Nag uunahan pa sila ni Kaifer last room. Sumunod na din Toni.

"You're in a big trouble, Ica." then iniwan ako ni Paul doon, tulala.

What does he mean?

..

Hayuu.. nakapag-UD din. :3 By the way, wait nalang sa chapty 13. :')

Just PretendingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!