----------

LORAINNE POV

Nagising ako kasi may kakaibang feeling ako. Nahihilo ako tapos ang sakit ng puson ko. TT_TT Tapos pagtingin ko sa kama ko. Ayun. Nagkaroon ako.

"Arghh. Bakit ngayon pa?!"

"Kacey! Breakfast is ready. Dalian mo!" - Kendrick

First day ko dito kanila Kendrick. Tapos mangyayari to. Kahiya hiya naman ako.

Nagulat naman ako ng may kumatok bigla sa pinto. Okay, I'm so doomed.

"Nandyan ka ba? Bangon na" - Kendrick

"Te-teka. Kasi ano. Ano kasi."

Wala akong dalang napkin dito. Pucha lang diba. NAKAKAHIYA KA KACEY LORAINNE ARGHHH.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Kendrick sa kwarto ko. Syempre nakaupo ako pero nasa kama padin ako.

"Dalian mo. Maligo ka na tsaka ka bumaba." - Kendrick

Oo nga pala. Katabi ko lang yung cr. Nandun din ung sanitary napkin. Engot 101 nga naman.

"Ah sige. Okay. Hintayin mo ko. Mabilis lang ako." - Ako

Pagkaalis ni Kendrick dali dali akong pumunta ng cr at naligo. Grabe nakakahiya naman. Nilabahan ko din ung bedsheet.

"Lorainne!" - Kendrick

"Pababa na!" 

Pagbaba ko hindi na ako kumain at dumiretso na sa sala para magayos ng sarili.

"Let's go. Ang tagal mo bumangon. Sa susunod magalarm ka." - Kendrick

"Hindi gumagana sa akin ang alarm. Mas effective human voice."

"Are you telling me to wake you up every morning? Hindi ba sobra naman yun?" - Kendrick

"Depende naman sa'yo. Pero kung gusto mo, pwede rin naman." 

Nagaalarm ako....well that was before. Wala. Late ako nagigising. That's why I swore that I'll never trust alarm clocks again.

"Fine. Bukas pag late ka pa bubuhusan kita ng tubig para magising ka." - Kendrick

"Hindi na. I can manage pala."

"Ano pa bang ginagawa mo diyan? Halika na." - Kendrick

"Teka nagaayos ako. Syempre kayong mga lalaki padaanin niyo lang kamay niyo sa buhok niyo okay na. Kami hindi."

"Kahit anong itsura mo maganda ka padin." - Kendrick

"Don't state the obvious! Halika na nga" - Ako

Kahit anong itsura mo maganda ka padin. Ehhh! Ano ba. Bakit ako namumula. Wala lang yun diba. Arghh. Wala yun. Wala yun.

"Kung iniisip mo yung kanina. I meant it." - Kendrick

"I know. Matagal na kong maganda."

Syempre kailangan mataray padin ako sumagot para hindi niya ako mahalatang nafla-flatter.

"Yes. I know. Kaya nga mahal kita eh." Kendrick

WHAT? Aba'y kay landi nga naman nitong si Salazar.

"Wha---"

"Nandito na tayo" - Kendrick

Dali-dali ako bumaba para takbuhan siya. Pero may naramdaman akong lumapit sa likod ko.

"Huwag kang gumalaw. Suotin mo to. Hindi ka nagsabi meron ka pala." - Kendrick

"Ha-hala! Omygosh. Kendrick, sorry. isasauli ko nalang jacket mo paguwi."

The Guy Next Door [EDITING]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!