Chapter Eighteen

1.1K 29 1

                HINDI MALAMAN ni Rebecca kung ano ang susuotin. Kanina pa niya hina-harass ang mga damit na nakapaloob sa kanyang damitan pero wala siyang mapili para suotin.

                Ang Chlymate naman kasing iyon! Hindi man lang siya sinabihan kung saan sila magde-date! Pero sandali, kung dinner date ito, malamang na pupunta sila sa isang fine restaurant.

                She grunted.

                Wala pa naman siyang hilig sa mga ganoon. Mga sosyal na lugar na puno ng mga pa-sosyal na tao. Isang sosyal na lugar na ang ambiance ang binabayaran at hindi ang pagkain.

                She sighed while shaking her head. Mukhang kailangan niyang i-confirm kay Chlymate kung saan talaga sila pupunta.

                She picked up her phone that was lying on her bed and searched for Chlymate’s name on her contacts. Kaso natigilan siya. Baka kantyawan lang siya nito na excited siya sa kung saan sila pupunta kaya siya nagtatanong. Ang kulit pa naman nito. Ang likot din ng isip. Kaya huwag na lang pala.

                Pero ano ngang isusuot niya?!

                Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama saka tumingin sa kisame. She felt pathetic. This was not her first time but she was acting as if it was. Bakit ba kasi kailangan niya ring maramdaman na kailangan niyang maging maganda sa paningin ni Chlymate?

                “Argh!” Humiga siya at nanggigigil na kinagat ang unan na nahablot niya.

                Why Chlymate was making her feel this way? Why? Was she falling for him already?

                Oh, no, don’t even go there. She admitted that she was attracted to him all right? But that was not a clear reason for her to even think that she was falling in love! No!

                Nakarinig siya ng malakas na pagkatok mula sa pinto sa baba. Sa lakas niyon ay pakiramdam niya na kahit na matibay ang pagkakakabit doon ay masisira iyon.

                Dali-dali siyang bumaba. Naiinis man sa kumakatok ay hindi siya nagsalita at basta na lang niya binuksan iyon, with a clear indication on her face that she was irritated.

                Only, it faded too soon when she saw Chlymate on front of her wearing a smile while his hand was still on air as if on the verge of knocking.

                “What?!” she snapped.

                “Hey! Makasigaw na 'to, parang hindi tayo magde-date mamaya, ah,” anito saka sa namulsa at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

                Bigla tuloy siyang na-concious.

                Parang hindi yata maganda ang suot niya ngayon dahil nakapambahay lang siya. She was wearing a pair of green cotton shorts, a pair of flip plops and a worn out gray shirt that had a print of a red lips. Tapos naka-pumpon pa ang buhok niya sa tuktok ng ulo niya.

                Samantalang ito…

                Napakunot siya ng noo nang makita niya ang ayos nito. Akala ko ba may date kami? Eh, bakit nakapambahay din 'tong gunggong na 'to? Naglolokohan lang ba sila?

                Nakasuot lang kasi ito ng manipis na T-shirt at bord shorts. Naka-tsinelas na sobrang gamit na yata at mukhang hindi pa ito naliligo.

A Piece of EverythingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!