t h r e e

13 2 1

A l e y n a

HELLO, ALEYNAAAAAAAAA~! masayang bati sa'kin ni Ax.

Ow---kay? Here's my theory. Baka naman kumain siya ng kumain ng sandamakmak na chocolates and that caused him para maging ganyan! Yah~ Mukhang mahaba haba ang pag uusapan namin.

(ㄱ__ㄱ)       \(@ㅁ@\)

    Ako             Siya

Ax, go to sleep. You're sugar high. sabi ko sa kanya habang tinutulak tulak ko pa siya dun sa kwarto niya.

NOOO~ If you want me to sleep then, you've gotta sleep with me! so yun lang. Hilahan kami.

Hoy, hoy! Binibiro lang kita~ Dun ka na sa loob! Biliis~ Seryosohin pa man din ako gayong nagbibiro lang ako!? Eh kasi eh, para di siya makulit.

Atsaka medyo madilim na rin. Mas mabuti kung maaga siya matulog para healthy siya! ^^

Nagulat ako ng humakbang sia palayo sa akin. That way, papasok sa kwarto niya. Nag step pa ulit siya palayo.

Napatingin ako sa kanya. Hanggang sa palayo na siya ng palayo sa akin! Nagulat nalang ako ng patakbo siya pumunta sa akin! Niyakap niya ako ng sobrang higpit! Nanlaki lang ang mga mata ko at nararamdaman ko na ring nag aalboroto ang mga uod ko sa tiyan, gutom na kasi ako eh.. o baka hindi.

Nagulat ako ulit ng i let go niya ako sa yakap niya. Pero mas nagulat ako sa sinabi at ginawa niya.

I Love You! *tsup* h-hinalikan niya ako sa.. CHEEKS! First kiss ko 'yun! .. O hindi?

BABAAAAY! GOOD NIIIIGHT! BABAaay-- wala na knock out na siya. Infairness ah, lalaking lalaki siya pero may eyeliner. Ang gwapo niya pala talaga~

Nilapitan ko kasi siya. Kawawa, e. Sa sahig kasi siya bumagsak. Masakit yun. Hindi ko alam kung bakit siya nahimatay. Baka sobrang pagod lang, 'diba?

"Hay, Ax. Paano ka kaya kung wala ako?" tanong ko sa kanya pero mahina lang. E, kasi naman. Ano 'yan? Ganyan lang siya pag wala ako, paano ba siya mamuhay?

And then on that exact moment, i found myself crying in front of a sleeping prince laying on his bed.

--

Kinaumagahan, nagising ako sa isang sobra sobrang liwanag na ilaw. Sinag ng araw siya sa totoo lang.

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita kong bukas ang lahat ng bintana pati pinto. Hindi lang 'yan, sobrang kalat ng buong bahay!

Tumayo ako at dali daling sinara muna ang lahat ng pinto at bintana. Tapos ay chineck lahat ng rooms, at iba pang kailangang icheck.

Isa nalang ang hindi ko naii check. Ang kwarto ni Ax.

Lumapit ako sa pinto niya at dahan dahang binuksan ang sliding door. Pakiramdam ko may mali.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay laking gulat ko ng makita ko siyang nasa sahig at pumapalipit sa sakit.

Nilapitan ko siya kaagad. Mukha namang naramdaman niya ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin habang nakangiwi.

"Oh, m-matulog k-ka pa! Ma-mamaya ak-ko pa ang sisi-h-hin mo at hin... di ka-- urggh" mukhang masakit talaga, hindi nga siya makatapos ng isang sentence, e.

"Tara na! Tatawagan ko na ang kapatid mo! Pupunta na tayo ng ospital." sabi ko tsaka ko siya tinulungang makatayo.

"Hi-hindi. Tawag-gan mo n-nang lahat 'wag lang ang k-kupal na 'y-yun!" tapos naglip bite pa siya. Papa God, ayoko pong magkasala. ㅠoㅠ

"P-paano ka?" nag aalala kong tanong sa kanya.

"Yung first aid kit k-ko. Kunin mo. Nasa may banyo diyan sa--uurgh" utos niya habang hinihiga ko siya sa may kama niya.

"Oo. Sige, alam ko. Alam ko." tsaka ako dali daling pumunta sa banyo.

Habang papalapit ako ng papalapit sa may pinto nakikita kong lumilinaw ang figure ko. Dali dali kong binuksan ang pinto ng banyo at mabilis na tumapat sa shower.

Binuksan ko iyon at nagulat ako ng may maramdaman akong malamig na tubig sa aking balat. Ano'ng ibig sabihin nito!?

Naalala ko si Ax. Oo nga pala! Mabilis kong binuksan cabinet sa may gilid ng salamin sa may sink. Atsaka ko kinuha ang kit.

Pagbalik ko doon, nakita ko na may dugo yung damit niya habang nakahiga siya at naghahabol ng hininga. Ngayon ko lang napansin yun, a.

Nilapitan ko siya kahit basang basa ako. Parang white lady tuloy ako, puting dress kasi ang suot ko.

"Ax! Ano ba kasi talagang nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Sumugod yung-- AKIN NA NGA YAN! WAG KA NG MAKISALI!" tsaka niya sapilitang kinuha yung kit mula sa'kin.

"Matulog ka na. Diyan ka sa may sofa diyan sa gilid. Wag na wag kang babalik sa labas, kundi papatayin kita." Ano bang gustong mangyari? Ma-double dead ako!? Masakit 'ata yun?

Tumango-tango nalang ako sa kanya. Nilapitan ko na yung sofa at sinimulan ko ng matulog.

Iniisip ko pa rin 'yung paglilnaw ng figure ko. Ano kayang ibig sabihin nun?

--

"Oh gosh! Doc! Doc! Gising na ang anak ko!"

"Ate? Ate! Goodness gracious! Gising ka?"

Puti. 'Yan ang una kong nakita imbis na blue, ang kulay ng ceiling ni Ax.

Puro iyak ng tuwa ang naririnig ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi?

Ano bang nangyayari?

7th HeartbreakBasahin ang storyang ito ng LIBRE!