Chapter 16: Coincidence

509 48 3

All rights reserved.
Copyright © 2012 by kowlaid

•••

11th Day of Agreement

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

11th Day of Agreement



A S H

February 11, Friday

Eto kami nilalagay na namin yung mga balloons sa sahig at tapos na lahat.

Pagkatapos ng ilang minuto. Wooh! Tapos na din sa wakas! Sa Monday na lang namin ihahanda ang mga pagkain at tenen! Tapos na!

Eto kami ngayon, nagaayos na ng aming mga gamit at magsisiuwian na pero kaming girls magmamall pa kasi bibili daw sila nang susuotin nila para sa Monday kahit wala silang mga date.

Alam naman nila na NO DATE, NO PARTY eh. Pero malay mo may magtanong daw. Napapailing na lang ako.

Eh ako hate na hate ko ang magshopping, napilitan lang naman ako tsaka ayoko din magpaka-KJ.

"Hey guys, we will be going now. See you on Monday." Pagpaalam ni Blaire sa mga lalaki.

"Sige Blaire, bukas ha?" Napalingon naman si Blaire kay Angelo.

Tumango naman si Blaire. "Alright! See you tomorrow, Angelo." At ngumiti ito.

Umalis na yung boys at kami namang girls nakasakay na sa sasakyan ko at syempre may driver. Diba nga may sundo ako?

"Ano muna bibilhin natin?" Biglang tanong ni Irene.

Nagsnap naman si Andrea bago sumagot. "Of course, dress first!"

Hayst. Oo nga pala mga kasama ko ay fashionista. Ako lang ang hindi. Yup! I hate make ups and wearing dresses.

"Ash, nandito na tayo." Sabi ng driver ko.

Nga pala Ash ang tawag sa akin ng mga kasama namin sa bahay ayoko ng Ma'm ang tawag sa akin at ayoko yung nagpo-po at opo sa akin.

"Salamat, kuya. Text ko na lang po kayo kung tapos na po kami." Tumango na lang si kuya at tsaka kami lumabas at pumasok sa mall.

Pagkapasok namin. Agad naman silang pumunta sa isang store na puno ng mga magagarang damit.

Oo, iniwan nila ako. Pagkapasok na pagkapasok namin, nagsipuntahan agad sila dun sa store na yon.

Napailing na lang ako at pumasok na lang din dun.

Umupo muna ako at tiningnan sila.

Napalingon naman si Blaire sa akin at nilapitan ako. "Aren't you going to pick a dress?" Tanong nito sa akin.

Locker Love StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!