LXII: I'm Back, There's Your Chance

103 4 3

JERESAH’S POV

“Jerz, baby, di ka ba papasok today?” tanong ni Mama. It’s been 4 days nung nai-libing si Paps. Simula nun, hindi pa ako pumapasok. Willing naman akong mag-make-up class eh, ayoko lang talagang pumasok. Ayokong maging center of attention!

“Sa Lunes na lang, Ma. Pansinin pag ngayon.”

“Anong pansinin?” She frowned.

“Pansinin yung ganda ko.” I smirked. Binato niya ako ng throw pillow. “Ma!!!”

“Conceited!” ani niya. “Buti na lang mana ka sa genes namin ng Paps mo.”

“Namaaaan!” I chuckled. “Ikaw, Ma? San lakad mo? Bakit naka-porma ka?”

She smiled. “Sa company, ayusin ko lang mga iniwan ng Paps mo.”

Now that Paps is gone, si Mama na ang hahawak sa kompanya namin, uhm, well, for the mean time. Masyadong malayo ang engineering sa line ni Mama which is Medicine. For sure, mahihirapan kaming makakita ng taong pwedeng pumantay sa dedication ni Paps pagdating sa pagma-manage. Hands-on kasi siya pagdating doon. Di niya itinuturing na ibang tao ang mga foremen at construction workers pati ang mga office workers. Kapag masarap ang kinakain niya, kailangan, sila din. At hanggang next week na lang ang leave ni Mama sa hospital. Haaay, kami na lang dalawa.

“Gusto mo, sumama ka na lang?” alok ni Mama. Napa-isip ako. Hmmm. Pwede!

“Okay, Ma. Wait for me.”

Smooth lang nag byahe namin ni Mama dahil hindi naman bumper-to-bumper ang mga sasakyan ngayon. Nasa Wildeman Avenue na kami nang biglang mag-play ang Still sa radyo.

“Still.” banggit ni Mama at ngumiti habang nag-da-drive.

“Hindi na nakanta yan ni Khester sa burol ni Paps.” puna ko.

“Hayaan mo siyang multuhin. Hahaha.” biro niya.

Nabalot kami ng katahimikan. Nasa last chorus na ang kanta ng biglang magsalita si Mama. Eksakto sa paghinto ng sasakyan.

“You know what’s hard in being a doctor, Je?” tanong niya. Nakatingin lang ako kay Mama. “Kasi, kadalasan, kung sino pa yung mahal mo sa buhay, sila pa yung hindi mo naisasalba.” Lumingon siya sa labas. Nakita ko ang signage sa building. Timberland. “Let’s go?”

Okay. Timberland. Here we go.

Eight years ago, itinayo ni Paps ang Timberland. Luckily, nag-boom ang construction firm na ‘to kaya naman nakilala ito sa bansa. Although kilala na siya at nakikipag-sabayan na sa ibang construction firms, minsan lang umattend si Paps sa mga executive meetings. Laging yung V.P ang pinaa-attend niya. Siya? Siya mismo ang nasa construction site. Mas gusto niya yun. Kaya naman, maraming nakakakilala sa pangalan niya, pero hindi sa mukha. Kami ni Mama, hindi kilala. We don’t brag about money. Kahit nga sa bahay namin, hindi nagre-reflect ang katas ng Timberland. Kaya kapag may nagtatanong sa amin at nagsasabi kami ng sagot, nagugulat na lang sila.

“What the sh…” napatigil ako sa pag-lalakad patawid ng revolving doors nang maaninag ko ang tarp sa receiving section. Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa.

“Good morning, Ma’am!” bati ng isa sa mga tauhan ni Paps.

Ngumit naman si Mama. “Hello.” Hindi ko pa rin mapigilang tumawa.

“Sh-sheeet l-lang M-ma. Ahahahaha! Bat ganyan yan?! Hahaha!” mangiyak-ngiyak kong itinuro ang tarp na may print ng pagmumukha ng tatay habang sobrang naka-ngiti. Kita ang gums. Sa taas, may nakalagay na ‘Happy Trip Sir!”

“Ay, hello Ms. Jerz.” bati sa akin nung staff.

Hindi pa rin ako maka-move on sa tarpaulin kaya naman hinila na ako ni Mama paupo sa isang bakanteng swivel chair sa loob ng opisina. “Para kang timang, Anak.”

Infatuation is Always There (Completed)Read this story for FREE!