Chapter 4 - Paperworks

17 0 0

Nang kababa namin mula 3rd floor, nakita kong nakayakap nang mahigpit si Aurora kay Monique, at iyak siya ng iyak. 

Nakita ako ni Monique at sinabing ikuha ko siya ng tubig na maiinom niya.

Pagkakuha ng tubig, kaagad na ininom iyon ni Aurora. Tinanong ko kung anong nangyari kay Aurora.

     "Inutusan ako ni Sir Magbayo na ibaba yung mga paperworks ng mga kaklase ko, habag pababa ako, nakita kong sinisigawan na naman ni Brittaney at ang ilan niyang kaibigan itong si Aurora. Iyak siya ng iyak, yung mga gamit niya nakita kong nakakalat sa sahig at tinatapak tapakan nila Brittaney.

Sumugod na ako ng mabilis, at pinigilan sila. Hinatak ko si Aurora mula sa kanila, at sinumbong ko si Brittaney sa adviser ninyo. Ayun, nasa guidance siya ngayon kasama si Ma'am Quesa. Awang awa ako, at kinausap ko siya kung anong nangyari, hindi pa rin niya sinasabi. Takot na takot siya. Nahihiya sa akin.

     "SILA NAMAN NAGSIMULA EHH!!! Hindi lang ako makaganti, takot na takot ako. Hindi ko kaya...

Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay naiyak siyang muli.

Sabi ni Nick

      "Ano ba talagang nangyari sa una palang?

    "Patakbo akong papunta sa gate ng school nang bigla akong tinapilok nila Brittaney at mga kasama niya. Nahulog bag ko, at biglang lumabas yung ilang libro ko. Habang pinupulot ko, lumapit sila at sinigawan akong 'Bagay yan sa iyo, bruha ka! panget!'. Wala akong nagawa dahil tinatapak tapakan nilamga gamit ko, at hindi ako makasigaw ng tulong dahil natatakot akong masabihang sumbungera. Hindi ko alam bakit ganun sila sa akin. Nangingig niyang pagkwento sa amin.

Tinapik ko si Aurora, mula sa pagyuko, napaharap siya sa akin. Nawala ang panginginig ng katawan niya dahil sa takot.

     "Tama na, wala na siya, wala na sila. Tahan na, Aurora. Hindi mo kailangang sayangin yang luha mo para lang sa kanila. Hindi ka rin dapat maging tanga, kailangan maging malakas ka, ipakita mong kaya mo sila, pakita mong matapang ka, pero huwag mo silang sasaktan, dahil ikaw pa ang lalabas na masama.

     "Kung sakaling may mang aaway sa iyo, narito lang kami, naka suporta sa iyo!, masayang sabi ni Nick.

     "Hindi ka na mag- iisa dahil mula sa araw na ito, kabilang ka na sa amin, sa grupo ng aming magkakaibigan.

Naiyak muli si Aurora at sinabing "Salamat sa inyo, salamat, ang bait bait niyo sa akin. Sorry sa mga kaguluhang nagawa ko.

     "Alam niyo bang ang tagal tagal ko nang gustong lumapit sa inyo. Tuwing nakikita ko kayong masaya, gusto ko kayong maging kaibigan. Tuwing nakikita ko kayong tatlo na sabay sabay na umuwi, naiinggit ako sa inyo, kase solid ang samahan ninyo. Hindi ko alam, ako nga ba yung problema?

Kase nahihiya akong makipag kaibigan. Ako kase yung klase ng babae na gusto ko ako ang unang pinapansin. Kaya noong pinansin mo ako kanina, Ethan, nahihiya ako ng sobra, kase kanina ko lang naramdaman namay bigla-biglang lalapit sa akin na kaklase at kakausapin ako. Hindi ko pa nararanasan yun noong elementary ako.

Actually, loner ako. Gusto ko namang makawala sa pagiging loner, pero hindi ko magawa. Natatakot akong hindi matanggap ng isang tao, dahil maraming beses na akong hindi tinanggap ng mga taong kakilala ko.

     "Pwes, simula ngayon, parte ka na ng grupo namin!, masaya kong sabi sa kanya.

     "Huwag ka nang malungkot! Nandito kami, handang tulungan ka at maging totoo at tapat mong kaibigan! Huwag kang mahiya sa amin ah! Noong una, natatakot talaga ako sa iyo dahil sa mga naririnig ko mula sa iba nating kaklase, pero iba pala., sabi ni Nick.

Niyakap naming tatlo si Aurora, at naging masaya na ang hapon niya kasama kami. Sabay rin namin siya pauwi at napagkwentuhan rin namin kung ano siya talaga. Masaya pala siya kasama, hindi naman suplada, sadyang minsan may pagkahiyain siya. Unt-unti gumagaan ang kalooban namin sa bawat isa, at unti unti rin kaming naging magkakaibiigan na solido o buo.

Kinabukasan, kapasok namin ni Nick ng room, nakita kong nakangiti si Aurora, nakatawa, at parang walang nangyari. Marami na siyang nakakausap kahit papaano sa klase. Kaunti nalang ang pagiging mahiyain niya.

Sumasagot na rin siya ng malakas, at nakikiparticipate na siya sa klase. Sumasabay na rin siya sa amin nila Monique at Nick kumain sa canteen. Hindi na siya nakayuko at hindi na niya ginagawa ang pumunta sa sulok at magmukmok habang nakayuko. Parang nabuhayan siya ng loob sa sarili. Nakita niya na nakasuporta kami sa kanya, at naging maayos kaming magkakaibigan.

Noong kuhaan na ng mga report cards, nagulat kami, at nangunguna si Aurora sa aming klase. Ang talino niya pala. Natalo niya ako, pangalawa ako sa klase namin.

Isang araw, habang pauwi at naglalakad kaming apat palabas ng school, biglang sumigaw si Monique

     "KAPAGOD ANG ARAW NA ITO!

     "Oo nga, sabi ni Aurora.

    "Guys, gusto niyo ba ng pangalan para sa grupo nating apat?, hirit ni Nick sa amin habang patalikod siyang naglalakad.

     "Oo nga noh! Magandang ideya yan! Anu naman kung meron?, sabi ko.

     "The 4 Studentkeeteers?, sabi ni Monique

     "Anong pangalan yun? HAHAHA!, sigaw ni Nick

     "Tinatawanan mo ako?!?!

     "The Big Four kaya?, biglang sabi ni Aurora

     "Oo nga noh! Galing mo Aurora! Di katulad mo Monique! Corny!, pabirong sabi ni Nick.

     "Ahh ganun?!?! HALIKA DITO!!

Biglang naghabulan sila Nick at Monique sa labas ng school. Tawa kami ng tawa ni Aurora habang pinpanood namin sila.

     "Nakakatuwa naman sila! Ahahaha!, patawang nakangiti si Aurora.

Noong sinabi niya ang mga salitang iyon, nakita ko talaga na wala na yung dating Aurora na kung saan madaling masaktan at takot lumaban. Nakita ko sa mga ngiti niya at tawa niya na sobrang saya niya sa araw na iyon. Hindi man noon, pero ngayon na marami na siyang kaibigan. Natutuwa ako na nabago ko ang isa kong kaklase.Natanggal ko sa kanya ang pagiging mahiyain na tao, at pinakita ko na pwede isyang magbago at maging malakas na hindi nananapak o nakakasakit ng iba. Simula noon, naging masigla na siya sa araw araw naming pagkikita.

Napagtanto ko rin na walang mangyayari sa iyo kung lagi kang matatakot at mahihiya sa lahat ng bagay na gagawin mo. Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa bawat problemang darating sa iyo, hindi man ngayon, pero sa mga susunod na araw.

Malapit na pala School Festival namin, ano na kaya mga booths gagawin namin?

~~~~~

Hi guys!!! Chapter 4 na po ito ng High School Book 1!! HAYY, sakit sa ulo... Pero at least maganda ang storyang nagagawa ko. Wala kang mararating kung puro hiya ang bumabalot sa iyo. 

High School (Freshmen)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!