Chapter 9

62 5 5

A/N: Dedicated po ang chapter na 'to para kay @fairyhearty_lucy! Thank you sa pagbabasa ng story ko, kahit medyo magulo siya. HAHA. Looooveyouu!

***

Nasa loob kami ngayon ng classroom. May group activity kami ngayon, and luckily, natapos kaagad ng group namin kaya wala na kaming ginagawa.

Bumalik kami sa mga proper seats namin at nakita ko si Vince na nagdo-drawing ng isang babae. Oooh. May drawing skills pala siya ah?

"Kainis!!!" sabi niya habang dinidiinan yung lapis niya sa papel na pinagguguhitan niya.

Iniisip ko kung ano yung kinaiinisan niya. Hindi kaya yung diary niya? Oh no. Paano ko ba to gagawin? I really want to give it back without him knowing.

"Ikaw," he pointed his pencil to me.

"H-Huh?"

"May nakita ka bang black na notebook na may tali sa gilid?!"

"A-Ah, wala eh." Well, thats so me. The great liar. Ayoko kasi talagang malaman nyang ako yung nakapulot nun!

"Ugh, fine!! Where did that notebook go?!" Sabi niya na tinutusok tusok na yung papel gamit ng lapis niya.

Bigla kong napansin yung drawing niya at yung pangalan ng drawing niya.

Jessica.

What the?!

Bigla kong tinignan yung drawing niya at inilapit ko pa lalo yung mukha ko sa papel niya.

"Why is my name here?! Ano to ha?!"

"What the fck! I didn't write that!" sabi niyang namumula na.

"Hoy, may balak kang ipakulam ako noh?!!!"

"What the?! Do you think ganun ako kacorny ha?! Kulam?! Do they even exist?!" sigaw niya. Dahil doon ay nagtinginan sa amin ang mga kaklase namin. "Hindi ako corny kagaya mo!" dagdag niya pa.

"Wow, nakakahiya e noh. Sino kaya sa atin ang old fashion ha? Pa-diary diary pa. Psh." bulong ko naman.

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin. Omg! Narinig niya ba sinabi ko? Nooooo!

"What?! Anong sabi mo?!"

"A-Ah wala, sabi ko showing na yung Diary ng Panget sa April 2! Nood ka ah, andun boyfriend ko. Si James Reid!" pagche-change topic ko.

Tapos inirapan niya lang ako. "Korni talaga neto. Psh."

"Eh bakit nakasulat pangalan ko dyan ha?!" Inasar ko pa siya lalo. Bakit nga ba niya ko idinrawing niya at isinulat niya ang pangalan ko? Weird.

"Sinulat ko kasi.. wala! Ang pangit mo kasi!" tapos sinara niya yung notebook niya at umalis ng room. Watda!? Meron ba siya? Grabe magsungit ha. Sabagay, araw-araw naman ganun yun. Di ka pa ba sanay?!

Then the bell rang. Lumabas na yung mga classmates namin pero I chose to stay inside the room during breaktime. Hindi ko napansin, pumasok pala si Vince sa loob.

"Oy," sabay bato sakin ng crumpled paper.

"Ano?!"

"Sasamahan mo ako mamaya! Whether you like it or not, sasama ka. Pag nagpumilit kang di sumama, you're a dead meat. Gets?" sabay alis. Pero maya-maya, bumalik siya at may binigay saking chips na may kasamang papel. Ano ba to?!

"Jess, gusto ko sanang magsorry sa ugali ko pati na rin sa mga asta ko. Hope you can forgive me."

Tapos may kasama pang drawing ng mukha ko. Eh? Ito ba yung kanina niya pang dino-drawing?! Siya pala korni eh. Lol.

Try HardBasahin ang storyang ito ng LIBRE!