STOLEN 9

2 0 0

Medyo papabilisin na natin ang panahon dito ha? Atat na ang lola niyo ey. Hahaha. Okay, let's get it on!

STOLEN 9

Nerdy Baby

Kahit na summer na kalagitnaan na ng summer ay hindi pa rin ito ramdam dito sa Alfonsa, malamig pa rin ang hangin dito kahit malapit nang mag alas-onse ng tanghali. Hindi ko man lang makita sa mga tao sa paligid na hacienda na naiinitan sila kahit na tambak ang mga gawain nila para sa araw na ito.

Sa isang araw na kasi ang birthday party ni Lolo kaya naman ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito. Ngayon ko pa lang mararanasan kung paano magcelebrate ng birthday si Lolo, simula kasi bata ako ay nasa Madrid na ako. Umuuwi lang ako tuwing holidays at birthday nang isa sa mga kapatid ko, lagi pang sa Maynila iyun ginaganap.

At dahil mukhang wala akong makakausap na matino ngayon dito ay nagbasa na lamang ako ng regalong libro ni Kuya Patrick. Nasa kalagitnaan na ako nang dumating si Xander at nangulit.

"Oh? Napadalaw ka?" tanong ko sa kanya.

"Masama ba? Eto talaga.." sabay ngiti sa akin. "Nagamit ka pala ng eyeglasses?" tanong niya sa akin habang inilalapit ang mukha niya sa akin.

"Ah, oo. Dati pa. Layo ka nga. Close?" sabay tulak ko sa mukha niya palayo. Tumawa lang siya habang tinitignan akong inaayos ang eyeglasses ko.

"Kelan pa yan?" tanong niya.

"dati pa 'to. 2 years ago pa ata?" sagot ko sa kanya habang binabasa ang natanggap kong message galing kay Kuya Alden.

"Ah, bagay sayo.." sabi niya na halatang nagpipigil ng tawa niya.

"Eh bakit ka natatawa?" 

"wala, may naisip lang ako.. Sino nagtext sayo?" pagbabago niya ng usapan. Hindi ko siya sinagot, tinitignan ko lang siya dahil alam kong may naisip na naman siyang kalokohan.

"Uy, sino nagtext? May iba ka pang katext bukod sa akin?" naiinis niyang tanong.

"Secret!" natatawa kong sagot sa kanya. Para kaming mga bata sa usapan na ito eh. MUkhang lalo lang siyang nainis sa sagot ko nang tignan niya ako ng masama. Tumawa muna ako bago magsalit uli. "Oo na, sasabihin ko na. sunget neto.. Si Kuya Alden lang iyon, nagtext tungkol dun sa gown ko.."

"Ano ba kasi iniisip mo kanina?" pangungulit ko sa kanya.

"Ikaw.." sabay ngiti niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama dahil akala ko binobola na naman niya ako. "Nakaisip na kasi ako ng itatawag sayo.." sabay pisil niya sa pisngi ko.

"Awee.. Ano naman yun?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi ko. Pinanggigilan na naman niya ang pisngi ko.

"Sasabihin ko kapag sinabi mo ang kulay ng damit mo sa birthday ng Lolo mo."

"White." sagot ko sa kanya.

"Okay then alis na ako." sabay tayo niya at naglakad palayo.

"Teka! di mo pa sinasagot yung tanong ko!" pigil ko sa kanya.

"Alin ba yun Nerdy Baby?" tanong niya habang nakangisi. Teka, ano daw? Nerdy baby?

"Ha? Anong sabi mo?

"Nerdy baby. Yan, yan yung naisip ko kanina. Hahaha. Bagay sayo eh!" sabi niya habang tumatawa. "Paano, una na ko. Hahanap pa ako ng susuotin na teterno sa gagamitin mo, ako escort mo ha?" 

"Bye nerdy baby!" paalam niya bago ako iwang nakatulala. Nerdy baby daw? Cute. *kilig*

STOLENBasahin ang storyang ito ng LIBRE!