For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

-8-

3.3K 101 5

“Kailangan ko ba talagang isuot to?”humarap ako kay Jaira suot-suot ang tube dress na ibinigay niya kaninang umaga.”parang revealing naman?”

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Minuestra niya na umikot ako gaya ng isang model. Ginawa ko naman! Tinanggal niya ang pagkakalugay ng buhok ko.

“Better. Huwag mong ipakita yang batok mo.”

“Anong meron sa batok ko?”

“Wala. Mas bagay mo lang ang nakalugay.”

Whatever yaya! I mean Jaira. Kulay puti rin ang suot niyang suit. Hindi kaya puro na paltos ang paa niya sa taas ng takong ng sapatos niya? grabe, 3 inches yata yan. Nakakamatay! Pointed pa!

Nanghihintay sina Manang Loring sa ibaba ng hagdan kasama si Kuya Rudz. Nagawa pa nga ni manang Loring na kuhanan kami ng picture habang bumababa kami e. kakayanin kaya ng nokia 6020 niya ang mega pixel ng kagandahan ko? hoho.

“Angganda niyo talaga mga maam!”

“Huwag niyo na kaming bolahin manang baka maniwala itong si Zaniel. Ok na ba ang kotse kuya Rudy?”

“Opo maam! Siguradong matutuwa ang bride and groom kay Silver.”

“Good.”

Nagkaabirya kagabi ang wedding car na gagamitin sana kaya inooffer na lang ni Jaira si Silver. Angbusy-busy niya habang nagbbyahe. Tawag dito, tawag diyan.

Napabuntong hininga siya matapos ang huling tawag na inattend-nan niya.

“Kuya rudy, after ng wedding ihatid niyo na si Zaniel sa bahay ha? May kailangan pa akong i-meet.”

“sama na lang ako. Boring sa bahay mo. Sino ba yong kakatagpuin mo ha? Gelpren mo no?”

“Stupid.”

Nagtanong lang ako stupid na agad? Hindi pwedeng curious lang? Napakaseryoso na naman niya.

“Uy wedding ‘yong pupuntahan natin baka mahawa sila sa bad vibes mo. ngiti ka naman diyan.”

“I’m okay. May iniisip lang ako.”

“Babae?”

Tiningnan na naman niya ako nang masama. Parang binibiro lang siya e! anong masama d’un?! Nag-zip ako ng bibig ko at tumingin na lang sa labas. Lakas maka-badvibes nitong si Jaira paano na lang kapag nahawa ang mga ikakasal tapos mag-run-away ‘yong babae! Oh diba? Parang isang pelikula lang!

Sa hotel na muna kami pupunta para sunduin ang bride. Hindi na pinababa ni Jaira si Kuya Rudy, Siya na ang nagbukas ng pinto sa tapat ko. naks! Mukhang prinsesa lang ang peg ko nito ah!

“nice one!”napalingon si Jaira sa pinanggalingan ng boses. Pareho kaming off guard ng kinuhanan niya kami ng stolen shot. Nangingiti pa itong tiningnan ang preview ng image.”parang kayo ang ikakasal. Kumusta?”

Nag-wave hi pa sa akin ‘yong babae. Pero mas matagal ang kwentuhan nila. Bulungan? Hindi ko kasi maintindihan bukod sa mukhang napipikon na si Jaira sa kanya.

Kasabay na naming siyang pumasok sa hotel. Hindi ko siya ma-gets bakit panay ang kuha niya ng picture sa amin ni Jaira. Nag-excuse lang ito nang may tumawag sa kanyang isa pang photographer.

“Sino ‘yon? Parang hindi mauubusan ng battery sa kaka-picture sayo.”

“sa atin.”pagkaklaro niya.”she’s just one of my friends who keeps on insisting that I need to have a partner in life.”

“o tapos?”

“Sabihin na lang natin halos lahat ng nadikit na babae sa akin ay pinagkakamalan niyang girlfriend ko.”

Stranger's Bucket ListBasahin ang storyang ito ng LIBRE!