Chapter 1: Anghel at Engot

44 3 1

**Lorvin’s POV**

Kring! Kring! Krriiiingg!

2 Missed Calls…

Riinnngg ---

 “Brodii, saan ka naba? Ba’t ka umalis agad?”, sabi agad ng kabilang linya.

“Nagtanong ka pa brodii. Alam niyo namang di ako interesado eh!”, tugon ko.

“Pambihira ka talaga Lorvin oh! Sandali lang nam—“

“Look, Rex, wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Kung gusto niyo, kayo nalang.”, putol ko sa tawag.  Kanina pa ako tinatawagan ng barkada ko dahil sa biglang pag-iwan ko sa kanila sa tagpuan namin dito sa mall.

Nakakainis na sila! Ang kukulit talaga ng mga iyon. Habang naglalakad, binabasa ko naman mga text nila at bigla nanamang nag ring ang phone ko. Potek! Ayaw talaga makaintindi ng mga to. Ni reject ko nalang mga calls nila. Nakayuko pa rin akong naglalakad dahil sa pagbabasa ng texts ng biglang ----

BOOOGGSSHH!

“Naku Miss! Sorry, di ko sinasadya! Nasaktan ka ba?”, habang tinutulungang makatayo ang babaeng nabangga.

Hindi man lang ito kumibo at ng tingnan ko, wow! Ang ganda niya! Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung gaano katagal ko siyang tinitigan. Sheyyt! Ba’t mala anghel ang mukha niya? Ang ganda ng mga mata, ang tangos ng ilong at mapupula pa ang mga labi nito na parang kay sarap halikan. Nasa langit na ba ako? Nabagok ba ulo ko kanina nung nabangga ako sa paglalakad at sa sobrang lakas ng pagkabagok, andito na ako sa langit at siya na ang nakikita ko? Kung ganon Lord, wag niyo na po akong ibalik sa mundong ibabaw kung siya naman ang makakasama ko dito. Tae! Nababakla na yata ako!

Nagising ako sa aking pagde-daydream ng yumuko ito para pulutin ang mga pinamili niya. Nahulog kasi ito dahil sa pagkabangga. Tutulungan ko na sana siyang pulutin ito ng biglang humarap ito at may iniabot sa akin.

“Sa’yo na ‘to.”, pati boses niya ang sweet pakinggan. Pero poker face lang siya. Hindi mo malaman kung galit ba o hindi. Pero kahit ganoon, ang ganda niya pa rin. Anak ng! Sinaksak na ata ako ni Kupido!

Kakaiba rin siya ah! Ako pa itong nakabangga, ako pa ang binigyan. Ang sweet naman nun..

Tiningnan ko lang ang plastic bag at nung magsasalita na sana ako, naka alis na siya. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan ng anghel. Tsskk…

 “Miss! Salamat dito! Ang bait mo!”, pahabol kong sigaw pero hindi naman ako nilingon ng anghel.

Tiningnan ko kung anong laman ng plastic bag ng ---

 Shoot! Nabasag ko pa ata tong mga pinamili niya!

Hindi ko alam kung ano yun pero sure ako na mga basag na ang nasa loob nito.

Dali-dali kong hinanap ang babaeng anghel. Sa dami ng tao ngayon sa mall mukhang mahihirapan akong hagilapin siya. Tss..Ba’t ba kasi ang engot ko? Natulala lang ako sa ganda niya, nagiging engot na ako.  Hinanap ko siya ng hinanap at sa wakas, nakita ko na rin ang babaeng anghel – ang natatanging anghel sa loob ng mall.

Sinundan ko siya sa loob ng grocery section. Mukhang bibili uli siya ng tulad ng nabasag kanina. Hindi muna agad ako lumapit at ino-obserbahan ko muna siya. Nagpe-pretend nalang ako na may kinukuha na items para di niya agad ako mahalata.

Ang feminine niyang kumilos. Parang hindi makabasag ng pinggan. Ang mahaba niyang buhok na maitim at shiny pa. Hindi naman siya gaano katangkad pero parang matangkad na rin siyang tingnan dahil sa balingkinitan niyang katawan.

One Day, Three Autumns (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!