3rd Person’s POV

Tatlong araw nang absent si Yuri sa klase. Sobrang gloomy ng atmosphere nang umabsent siya. Siya ang class clown ng class nila. Kahit yung mga teachers na natutuwa sa kaniya, parang tamad na tamad magturo, ang iba pa nga eh nagpapafree time pero halos lahat, tahimik at natutulog.

“Hayy.. Namimiss ko na si Yuri. Hindi mo  ba siya namimiss Sky?” Sabi ni Cloud.

“Tss! Tigilan mo nga ako!” Imbis na tawanan siya ng mga kaibigan niya, bumuntong hininga nalang sila.

Hindi sanay si Sky sa inaasal ng mga kaibigan niya. At isa pa, nakokonsensya siya sa ginawa niya kay Yuri. Sa totoo lang, hindi naman ganun kabigat ang ginawa niya eh. Naapakan niya lang talaga ang ego ni Sky.

Pagkatapos ng klase, hindi muna umuwi si Sky, naglakad lakad lang siya. Nagdrive lang siya kung saan siya dalhin ng kotse niya. At tumigil yun sa Twin Aqua Hospital.

Naglakad siya sa tapat nung hospital. Sumandal siya sa poste at tinitingnan lang yung mga taong lumalabas ng hospital.

Bigla siyang nasilaw. Pagkakita niya, buhok yung umiilaw. Kulay silver tapos may parteng blue.

O________O

‘S-si Yuri yun ah!’

Naglalakad siya palabas ng hospital at may ngiti sa kaniyang mukha. Maraming napapatingin sa kaniya dahil sa buhok niya.

Nagtago agad siya at nung tuluyan nang makaalis si Yuri, bigla siyang napakamot sa ulo niya.

‘Bakit kaya andito yun?’

Sa sobrang curious niya, naglakad siya papasok ng hospital.

‘Di kaya dahil dun sa nangyari sa school?’ Sabi niya sa isip niya.

Lalo siyang naguilty. Nakita niya kung paano nagstruggle makahinga si Yuri.

Naiinis siya sa sarili niya dahil ito ang unang beses na maguilty siya sa isang bagay. At sa babae pa.

Pumunta siya sa may counter.

“Saan yung kwarto na pinuntahan ni Light Yuri Lee?” Sobrang bored na tanong niya sa nurse.

Hindi niya alam kung bakit ganito siya kacurious sa nangyari kay Yuri.

Yung itsura nung nurse kala mo nanalo sa lotto. *O*

“Ahm sir, dun po sa Room 502 sir. Hanapin niyo po si Dr. Natividad. Is that all sir?” Malanding sabi niya.

Nilayasan niya yung nurse. Kaya siya nabibwiset sa mga babae. Makakita lang ng gwapo, gusto na. Hindi muna kinikilala.

Pumasok na siya sa Room 502 at  nakita niya ang isang doctor na nakaupo sa desk. Sa Twin Aqua Hospital, may isang doctor na nakaassign sa bawat room. It serves as their main office.

Nakaupo sa may cubicle ang isang doctor na nasa mid 40’s na. May itsura yun at mukhang may lahi.

“Can I help you?” Tanong nung doctor.

“I’m here about Light Yuri Lee.” Sabi niya. Kahit siya ay nagulat sa sinabi niya kahit si Yuri naman talaga pinunta niya.

“What’s your name?” Tanong nung doctor.

“Sky.” Tipid na sagot niya.

“Ahhh.. The guy with the fire extinguisher prank, if I’m not mistaken?” Sabi nung doctor na parang may kaunting galit.

Tumango lang si Sky.  Guilty siya masyado kaya hindi siya makasagot.

“Hmm.. Well what are you here for?”

The Light in the DarknessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!