Chapter 9

75 3 0

Phil’s POV

Gabi na , narinig kong kausap ni Dad ang doctor ko sa Amerika. Hindi pa rin nila alam kung ano ang napag-usapan naming ni Doc. Wala pa rin silang alam sa complications na nakita ng doctor.

Natatakot ako. Sobra. Gusto ko pang mabuhay pero parang sumusuko na ang puso ko.

“Son, nakausap ko na si Dr. Ramirez, nirefer niya ako sa isang heart specialist.”

“Bakit Dad? Tsaka sino?”

“Family Doctor natin si Dr. Ramirez pero hindi niya forte ang puso. Masyado daw kasing maselan ang situation mo kaya ayaw niyang magtake ng risk. Gusto niya na irefer ka sa mas may alam tungkol sa sakit mo. At si Dr. Fuentes ang nirefer niya sa akin. Actually, dadaanan ka raw niya ngayon kasi ichecheck ka daw niya.”

“Okay.”

Biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Lumabas mula sa pinto ang isang pamilyar na pigura.

“Good evening. I am Dr. Brain Fuentes.” Sabi niya sabay lahad ng kamay kay Dad.

“Good evening. So ikaw pala si Dr. Fuentes. You look younger than I expected.”

“I would take that as a compliment, Sir.” Sabi niya at humarap sa akin. Nagulat ako sa nakikita ko. Kilala ko to. Siya ang fiancé ni Mitch.

“I would be checking your pulse, Sir.” Sabi niya sa akin at chineck ang pulso ko.

“As expected, hindi normal ang pulse rate mo. And that is because of the uneven flow of your blood. Pero with the operation, babalik rin ang lahat sa dati. Pinadala na ang mga ng tests mo sa America at dahil na rin sa bilin mo na gusto mo ay Doctor mo lang sa America ang bumasa ng resulta. Other than that, wala namang problema, you seem very ready for the operation.” Mahabang tugon niya.

“Thank you, Doc.” Sabi ni Dad.

“No problem, Sir. So, I’ll go ahead. Good luck with your operation, sir.”

“ Thank You.” Simpleng sagot ko na lang.

Nakalabas na ang Doctor ng napansin ko ang nagtatanong na tingin ni Dad.

“What did I just hear?”tanong niya,

“Huh?” taking tanong ko rin.

“Hindi mo pinakita ang mga results mo sa mga Doctor ditto? At bakit?”

“Dad, kapag pinacheck ko pa sa kanila ditto, baka matagalan pa bago ako makaalis. Sabi mo nga diba, I need to undergo with the operation as soon as possible. Letting them check it will only prolong the operation.” Pagsisinungaling ko.

“Ah. Ok.”

Mitch’s POV

Tinapon ko na lahat ng sulat ni Phil. Ayaw ko na magkaroon ng kahit na anong kaugnayan sa kanya. Masasaktan lang ako. Tsaka wala na namang sense kung babasahin ko iyon. Siya na nga ang  nagsabi, diba, di niya ako minahal. Tsk! Bakit ko pa kasi iniisip iyon.

Papunta ako ngayon sa tambayan ng barkada. May pakulo na naman kasi itong si Lovely. May importante raw siyang sasabihin. Baka nagpropose na sa kanya si Chris. Ang swerte niya kay Chris. Mahal na mahal kasi nila ang isa’t isa.


Andito na ako sa tambayan. Mukhang nagsisimula na ang meeting ah. Haha. Ako na lang ata talaga ang hinihintay.

“Sorry nalate ako, may ginawa lang ako.”

Nakakakaba ang kaseryosohan sa mukha ni Lovely. Hindi naman kasi siya ganito. Ang isa pang nakakapagtaka ay kasama niya si Chris. Hindi naman kasi masyadong nakikisama sa amin si Chris, halatang iwas siya, siguro dahil na rin kay Phil.

“Okay lang.” sabi ni Lovely na walang kangiti ngiti.

“So, bakit tayo nandito?”  tanong ko.

“Guys, may kailangan lang kayong malaman tungkol kay Phil.” Panimula niya.

Kita sa reaction ng lahat ang pagkadisgusto. Parang biglang uminit ang ulo ng lahat.

“Ano naman ang tungkol sa gagong yun.”

Nakita ko ang pagkabigla ni Chris, pero di lang ito umimik at hinayaan lang na magsalita si Lovely.

“Bakit Lovely, anong tungkol sa kanya.” Tanong ko

“Guys, remember the night na dumalaw si Phil? Dapat sasabihin niya that time ang dahilan kung bakit siya umalis.”

“Sinabi na nga niya diba? Wala nang patutnguhan ang usapang ito. Kung ano man ang sasabihin mo tungkol sa kanya, wala na akong pakialam! Wala na kaming pakialam. Tara na guys, wala ng kwenta to.” Sabi ni Mike , sabay tayo ng lahat ng barkada.

“My brother is dying.” Mahina ngunit buo ang pagkakasabi ni Chris sa mga salitang iyon na ikinahinto ng paggalaw ng lahat.

“He will be undergoing a serious operation tomorrow night. Umalis siya noon dahil ditto.” Paliwanag ni Chris.

Parang nabingi ako at nanghina at napaupo muli sa upuan. Parang nawalan ako ng lakas. Pero nagawa ko pa ring magtanong.

“Kung totoo ang sinasabi mo, bakit wala siyang nabanggit?” taking tanong ko.

“Inisip niya na the easiest way to escape is to hurt everyone. Ang iwan kayong lahat sa ere.”

“Di ko maintindihan.” Sabi ko.

Kung Pwede Lang SanaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!