Raina's POV

Ilang araw na akong binibisita ni Kuya sa bahay lagi niyang chinecheck kung nandun nga ako at wala sa bar. Pano nagsumbong ata si Timothy tungkol dun sa "date" namin ni Lloyd. Pero since last week hindi na sila bumalik ni Jake.  

Nandito ako ngayon sa classroom, wala kaming teacher kasi may meeting daw sila kaya ito ako natutulog. 

Ang sarap na ng tulog ko napapaginipan ko na si Myungsoo na niyayakap ako unti-unting lumalapit para halikan ako.

"myungsoo......"

"raina......"

"myungsoo.... WAG MYUNGSOO WAG!!! WAG MO AKONG IWAN MYUNGSOO!!!!!"

"HOY RAINA ANONG PINAGSASABI MONG MYUNGSOO" grabe hindi na pala si myungsoo to si Liezl na pala to

"shakings ka girl, kung ano ano na pinagsasabi mo may pamyungsoo myungsoo ka pang nalalaman"  pagrereklamo sa akin nitong si liezl

"sorry naman, pano ginugulo mo ang sweet moment namin ni myungsoo ayan umalis tuloy siya"  tinitigan lang ako ni liezl at walang expression ang kanyang mukha

"ohh tapos ka na ba magdrama? kung tapos na pumunta ka dun kila Cyrille tawag kanila kanina pa" umalis na si Liezl at dumeretso siya sa boyfriend niya na tatahitahimik. Ako naman pumunta kay Cyrille

"tawag niyo daw ako sabi ni shaks" 

"oo iinvite ka kasi namin manood sa saturday ng gig namin ni Robie ang tagal niyo na kasi hindi nanonood ehh and also kailangan may date"  oo nga noh parang 2 or 3 months na kaming hindi nakakanood ng gig nila ang ganda pa naman ng boses ng dalawang to pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan ng date

"sige pupunta ako pero wala akong date"

"hindi pwede no date no entry yan ang rule namin ngayon" 

"ehh di hindi ako pupunta" binelatan ko siya akala niya maloloko niya ako hahahaha (evil laugh)

"ito naman masyado ka ehh, dalin mo na lang si" lumingon lingon siya sa paligid para maghanap ng pwede kong maisama "si si Kent diba childhood friends kayo nun o kaya naman ung pinsan ng girlfriend ng kuya mo si sino nga ba yun" grabe ang hina talaga ng babaeng to sa mga pangalan lalo na pag hindi niya close

"Si Lloyd yun babes" buti pa tong si Robie naalala hindi katulad nitong girlfriend niya

"sige bahala na kung sinong isasama" umalis na ako para bumalik sa upuan ko ng mapansin kong nakatingin si Timothy sa akin. Pasimple kong hinila ang ang tenga ko ayun kasi signal namin kapag gusto namin mag-usap sa rooftop. Hinila din niya ang tenga ibig sabihin oo kaya naman nauna na ako sa rooftop

*****************************************************************************

ang tagal naman dumating ni Timothy dito mga 15 minutes na kasi ako dito pero wala pa rin siya.

"HOYYYYYYY!!!!!!!"

"AY BUTIKI!!!!!!!" tinignan ko kung sino ang impaktong nanggulat sa akin" ANO BA TIMOTHY LAGI KA NA LANG NANGGUGULAT" totoo naman ehh lagi na lang niya ginugulat

"sorry na ohh, tignan mo bumili pa ako ng pagkain natin, merong graham balls, french fries pati pepsi" pinakita pa niya sa akin ung dala niyang plastik.

We Changed Each OtherBasahin ang storyang ito ng LIBRE!