okay, before anything else, while I was reading  Chapter 7 I was quite disappointed with myself, I've noticed that i had so many typos. Pasensya na po doon and sana di iyon naging balakid upang maintindihan nyo ang story. =) 

I'll be more careful and keen with my typing from now on. Bare with me please, thank you!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah", "humaygooodnezzz!,"Shaaaaaaaaaaar!,","Papicture ate shar!". "Ganda mo tee!",

Well, iilan lamang ang mga ito sa mga naintindihan nya'ng sigawan at tilian ng mga tao. HIndi na rin niya alam kung saan siya haharap dahil sa kaliwa't kanang pag papa-picture ng mga tao sa kanya.

"Uhm, isa-isa lang po!," sigaw niya sa gitna ng malalakas na tili at hiyawan. Pasikip na rin ng pasikip ang CR dahil patuloy pa ring nagdadatingan ang mga tao. May nakita siya'ng isang batang babae na naiipit sa pagitan ng dalawang malalaking ale, malamang ay isa sa mga ito ang nanay pero di na ito napansin dahil sa kanya.

Kaya naman, kinarga na lang niya ito at pinagsabihan ang mga nagkakaguluhang mga tao,"hinay-hinay lang po tayo kasi may mga maliliit po na mga bata, baka po saktan," pinahid pa niya ang mga pawis sa mukha ng batang kinarga niya,"Sino po bang magulang ng bata'ng toh?," at dahil natahimik ang lahat ng kargahin niya ito, maayos niya'ng nasabi ang katanungan na yon. 

"Shar! Alaga ko yan!," sabi nung isa'ng babae sa likuran.

"Ate, paki bantayan naman po itong alaga nyo, naiipit po kasi dito eh," pakiusap niya sa babae ng kunin na nito ang bata.

"Basta ikaw shar eh, pwede ba'ng pa-picture?," excited pa'ng tanong nito.

"Sige po," kaya ayun, nag pose na man siya."Salamat Shar, pa-kiss na rin," 

"Okay, sige po, padaanin po natin si ate," sumunod naman ang mga tao'ng nagsipag-atrasan upang bigyan ng daan yung babae.

Pinagpapawisan na si Sharlene dahil sa sobrang init, at nakadag-dag pa ang patuloy na pagdagsa ng mga tao na halos hindi na siya makagalaw dahil sa sobrang sikip, pero patuloy pa rin siya sa pag-ngiti at pag o-autograph. Di kasi ito tulad ng mga mga nakagawian nila pag may mga shows sila, may mga bodyguards na handang pumigil sa mga tao, eh kaso ngayon, mag-isa lang siya. Pero dapat pa rin niya'ng pakisamahan ang mga tao ng maayos dahil kung hindi rin naman dahil sa kanila ay wala siya sa kinarorounan niya ngayon bilang artista.

--------------------------------------------------------------NASH--------------------------------------------

Napansin ni Nash ang pagtatakbuhan ng mga tao patungo sa isang CR na sa tingin niya ay nadaanan na niya. Bigla siyang kinabahan dahil kakaiba ang kinikilos ng mga nagtatakbuha'ng mga tao, to the extent na di na nga siya pinapansin ng mga ito.

"Kuya, ano po'ng nangyayari?," tanong nya sa isang lalaki na dumaan sa harap niya na tila nanggaling na sa CR na pinagkakaguluhan..

Nagulat pa ito ng makita siya,"Nash? oi, idol, pa-picture na man oh," sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya.."Ayan, ang swerte ko talaga...gwapo mo idol," tapik pa nito sa balikat niya. "Kanina lang si Sharlene San Pedro, ngayon na man ikaw, magkasama ba kayong pumunta dito?," baling nito sa kanya.

Pagkarinig niya dito ay inilang hakbang niya ang patungo sa CR. Laking gulat niya dahil sa dami ng tao, nagsisipag datingan na rin ang mga guards sa mall upang control-in ang mga naghihyawang fans.

Lumapit siya sa isang guard,"kuya, tulungan nyo po akong makapasok, si Sharlene po kasi yu'ng nasa loob," pagmamakaawa niya dito.

"Oi Nash, walang problema....Oh sige na po, tama na po yan," at dahil ayaw talagang magsilabasn ng mga tao ay isa-isa na lang nitong pinaghihila palabas. Siya naman ay nakasunod lang sa likod nito. Hanggang sa makapasok siya at nakita niya si Shar na parang naligo na ng pawis, dahil sa sobrang init. Lalo pa't napansin niyang suot nito ang hoodie, nya? "SHAAAAR!," tawag niya dito. Paglingon nito ay kumaway ito sa kanya.

ClicheRead this story for FREE!