“Good Morning Baby” bati ni Ellsworth pagmulat ng mga mata ni Cham, dinampian niya ito ng halik sa labi at niyaya ng bumaba sa kusina pinaghanda niya kasi ito ng almusal.

Halos dalawang lingo na din andito si Cham sa bahay ni Ellsworth, pareho silang nakaleave pero minsan ay dumadalaw sila sa opisina para kamustahin ang mga empleyado.

"Ang dami naman foods hindi natin talaga mauubos to" mangha na sabi ni Cham ng makita na iba't ibang pagkain ang nakahain. Inalalayan siya ng binata makaupo.

After mahospital ni Ellsworth ay pinag-bakasyon niya muna si Nanay Mitring para madalaw ang mga apo nito, pero imbes na si Cham ang magsilbi at mag-alaga sa binata ay ito pa ang laging umaasikaso sa kanya. Sobrang alaga siya ni Ellsoworth pakiramdam niya nga ay tumataba na siya dahil sa ang sarap ng mga luto nito.

"Yah para madami tayong energy." bulong nito kay Cham sa tenga sabay hagod ng buhok nito para bigyan ng maliliit na halik ang batok at leeg nito.

"Ano ba ang aga-aga ang pilyo mo ah, nakikiliti ako" napapahagikgik na sabi nito mas lalo naman dumami ang mga halik ng binata hanggang sa mapunta na ito sa mga labi ni Cham.

"Can i eat my appetizer first" he said with his husky voice while kissing Cham all over her face.

"Ehhh baby naman eh don't tease me. I'm hungry na c'mon let's eat"pagiiwas nito, nakangisi naman si Ellsworth na sinunod na lang ito at naupo na sa katabing upuan.

Simula ng maangkin niya ang kasintahan ay mas lalong nadagdagan ang pagmamahal niya dito nawala na ang takot sa dibdib ni Ellsworth ang iniisip na lang niya kung paano pa lalong magiging matatag ang relasyon nila. Sobrang mahal na talaga niya ito.

"Baby naman eh kumain ka na nga diyan wag mo na akong titigan" reklamo ni Cham, naakit kasi siya sa mga tingin ni Ellsworth parang unti-unti siyang natutunaw sa mga tingin nito.

Kahit ilang beses na siya inangkin ng kasintahan ay nahihiya pa rin siya kay Ellsworth, buong puso niya na ibinigay ang sarili dahil sa pagmamahal dito at masaya siya na ramdam na ramdam niya ang sukling pagmamahal ng binata. Minsan nga lang talaga ay napaka-pilyo nito.

"I can't get my eyes out of you. Sa bawat araw na lumilipas na magkasama tayo lalo kang gumaganda masisisi ko ba ang sarili ko not to stare at you" seryosong tugon nito. Sinagot lang ni Cham ito ng maliit na ngiti nararamdaman na naman niya ang pag-iinit ng pisngi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi talaga pumapalya si Ellsworth na pakiligin si Cham. Ngayon lang talaga naramdaman ng dalaga ang sobrang kaligayahan at hindi niya pinagsisisihan na sinubukan niya magmahal.

"Lagi mo ako binobola ah. Lumalaki na tuloy ang ulo ko" pang-aasar nito.

"Baby how many times i told you hindi kita binobola? I'm just saying the truth. I'm the luckiest guy in the whole world coz i have you" he said sabay inabot ang kamay ni Cham. 

"Thanks baby." maikling sagot nito para kasing nakuryente siya sa haplos ni Ellsworth sa kamay niya. 

Pagkatapos nila kumain ay niyaya siya ni Ellsworth na magswimming tinuturuan kasi siya nito paano lumangoy. Naging libangan na din nila ang pagtambay sa swimming pool sa bahay nila Ellsworth tuwing umaga bago tumaas ang araw or sa gabi bago sila matulog.

“Baby I want you to wear this please” nagulat si Cham ng iabot ni Ellsworth ang two piece swimsuit na kulay black sa kanya andito sila ngayon sa kwarto ng binata.

He robbed my heartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!