All Rights Reserved to PrincessPianist_HCMC. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted, in any form or by any means, or by stored in a database or retrieval system, or any form of copying without the permission from the AUTHOR. 

©PrincessPianist_HCMC2014

____________________________

 Andrea

Nagtataka kayo siguro kung sino yung bago kong partner noh? Haaaay…

Siya lang naman yung Ex ko na brineakan ko nung araw ng kasal namin 3 years ago.

His name is Brian. Ang alam ko isa siyang Business man. Siya ang CEO ng Metal Wander Corporation . Ang pinagtataka ko eh anong ginagawa niya dito? At paano siya naging  agent? Alam kaya niyang matagal na akong agent? Haayyy.. buhay!

“Andrea, kamusta ka na? tagal din natin di nagkita ha.” sabi ni Brian.

“ Call me Agent A. Initial ang tawagan namin dito sa work. Lalo na kapag nasa field tayo. “ sagot ko sa kanya.

“ Ah ganun ba? Ok.” Sabi niya.

Tahimik lang akong naglakad habang siya ay nakasunod sa akin. Di ko pa din alam anong sasabihin ko sa kanya. Mukha namang di na masama ang loob niya sa akin at kinakamusta pa niya ako. Pero ang kinakatakot ko ay kung galit pa din siya sa akin kaya dumidistansya ako sa kanya. Alam kong masakit ang ginawa ko sa kanya 3 years ago.  Alam ko naman na tunay ang pagmamahalan namin noon. Pero may mga bagay lang talaga na dapat kong isuko para sa kaligayahan ng ibang tao. Haaay. Napabuntong hininga ako uli ng malalim.

“ Alam mo kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga. May problema ka ba? Mukha kasing matamlay ang mga mata mo. “ sabi ni Brian.

“ Hindi naman. Puyat lang kakaisp sa’yo.” sagot ko.

“Ha? Iniisip mo ako?” sagot nito.

 “I mean kakaisip anong ituturo ko sa’yo bilang new partner ko.” paliwanag ko sa kanya.

“Ahhh. Wag ka mag-alala. Dati na akong agent. Nandito lang ako ngayon dahil sa partnership ng mga agency natin.” sagot niya sa akin.

“ Ahh. I see. Ilang taon ka na bang agent?” tanong ko sa kanya.

“ Maglilimang taon na din. Ikaw? “ tanong niya.

“ Parehas lang tayo. Five years din” sabi ko sa kanya.

“Grabe noh. Tagal na kitang kilala mag-aapat na taon na din madami pa pala akong di alam tungkol sa’yo. “ may kasamang pagdadamdam ang tono ng boses niya habang sinasabi ito.

“Ganon na ba kita katagal na kakilala? Siguro lagi lang tayong busy noon kaya kulang ang panahon natin para kilalanin ang isa’t isa ng husto.” sagot ko kay Brian.

Bigla siyang natahimik habang kami ay naglalakad papuntang elevator.

“Pupunta tayo ngayon sa training area. Magtre-training tayo, di lang para matuto ka. Para din sa akin. Para malaman natin ang galaw ng isa’t isa at magkatulungan tayo. At malaman din natin kung saan ka magaling at mahina para magawan natin ng paraan.” paliwanag ko sa kanya.

Tumango lang siya at pumasok na kami sa elevator. Pinindot ko ang 10th floor. Habang nasa loob kami ng elevator ay tahimik kaming dalawa.

Ting… 

“ Nandito na tayo. Magbihis ka muna ng pang-training para makagalaw ka ng maayos. May damit doon sa locker mo. By the way sa’yo ang Locker number 23. May laman ng pang training clothes doon at rubber shoes. Pati iba mong kailangan nandoon na din. Ito ang susi.” sinabi ko sa kanya sabay hagis ng susi.

My Ex is a Secret AgentBasahin ang storyang ito ng LIBRE!