For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

How to win this Battle

Chapter 16

“That douche. I’m gonna beat the shit out of him.” galit na galit nyang sambit nung sinabi ko sa kanya ang reason kung bakit andun pa ako sa pavilion ng ganong oras. “Hindi nya dapat ginawa yun, hindi ka nya dapat pinaasa. O kung hindi man sya makakarating, dapat nag text man lang sya. Paano nalang kung may nangyari sayo? Paano kung wala ako dun? I’m really gonna give him a real beat.”

He has a point, nag kulang si Ace. At paano nga kung walasi Basty nun? Malamang pinag-fiestahan na ng mga manyak na yung ang katawang kong mala-dyosa. Pero ganon pa man, hindi ko pa rin magawang magalit ng husto kay Ace. Siguro may dahilan lang sya kung bakit hindi nya ako napuntahan o kung bakit hindi sya nag rereply o kung bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

“Wag naman Bas, mahal ko yun e.” Ang tanga ko, at pinatunayan ko pa talaga yun. Ito pala ang nagagawa ng pagmamahal, yung kahit matalino ka, nagpapakatanga ka ng dahil sa pag-ibig na yan. He rolled his eyes at bahagyang napailing. “Baka masyado lang syang naging busy.” pag re-reason out ko pa.

I was about to reason out again pero nung nakita kong nakatingin sya sa akin ng seryoso, natahimik ako. Na-curious ako sa kanya, sa kung ano ang sasabihin nya. Ito yung mga moments na gusto kong malaman kung ano ang iniisip ni Basty, kasi really kahit loko-loko yan, may laman yung mga sinasabi nya at talagang tagos sa buto.

“Nobody is too busy, it’s just a matter of priorities.”

Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang kasi, tumagos yung sinabi nya. I want to laugh it off pero hindi ko magawa, kasi siguro alam ko rin sa sarili ko na tama sya.

“Kung talagang mahalaga ka sa kanya, he’ll put your name on the top of his list.” yun nga, e. Dyan kami nagkakatalo, kasi bali-baliktarin man ang mundo, hindi ako ang magiging top priority nya. I will always be second, yun naman talaga ang papel ko sa buhay… ang maging pangalawa sa lahat ng bagay. Sa puso ni Ace, kay dad, kay lola at lahat na… second lang ako.

“Yun na nga ang problema e, hindi ko magawang agawin sa babaeng mahal nya ang top spot. I will always be second in everything.” I flashed a bitter smile. I want to know kung sino ang maswerteng babae na kinababaliwan ni Ace, gusto kong malaman kung sino para malaman ko kung ano ang lamang nya sa akin.

Damn, I’m the perfect catch pero hindi pa rin ako magawang mahalin ni Ace. Puro pagpapaasa lang ang nakukuha ko mula sa kanya. Shit.

“Pero kahit na pangalawa lang ako, okay lang. Mahal ko e.”

“Yan ang lagi mong sinasabi, nakakarindi na Sue. Hindi porke mahal mo sya e papayag ka nalang na i-take for granted at gawing option. You’re a great girl, you deserve better than that. Kung ako lang yun, hindi ko hahayaang maging option ka lang, I will always choose you.”

Nagulat ako sa sinabi ni Basty, at halata ko ring nagulat sya sa sinabi nya. Mangilang beses rin syang napalunok nun, iniwas nya yung tingin nya saka nag salita.

“That’s just an example, walang ibig sabihin yun.” pagpapaliwanag nya.

I smiled at his response. Ang swerte ng babaeng mamahalin ni Basty kasi he’s a really good guy. Kung sana ganon din ka-devoted si Ace.

Ah, oo nga pala, bakit nga naman pala sya magiging devoted e hindi naman pala ako yung mahal nya. Ang tanga ko talaga, umaasa lang ako sa wala. Pero ganon pa man, hindi ako mawawalan ng pag-asa kasi malay naman natin, biglang magkaroon ng twist sa story namin. Hindi porke’t mahirap e susuko na ako.

“Nagugutom na ako.” tugon ko kay Bas. It’s already 11 pm na kasi, at hindi pa rin ako nakakakain. Nag wewelga na yung mga alaga ko sa tsyan. Malamang lang wala na kaming mahanap na bukas na restaurant sa mga oras na ‘to kaya uuwi nalang siguro ako sa bahay. May mga instant noodles naman dun.

How to win this BattleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!