dedication porr -- @ayejaszy

[DADDY CJ on the multimedia] ==========>>

- - - - - -

x17: CJ Strikes! (part2~)

[CJ's PoV]

"NAKITA RIN KITA.." I hugged her tight and rested my head on her shoulder. "I'M SORRY, MHIE.."

"Ano ba yan, CJ.." natatawa nyang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mga mata nya at binaba na ang tawag ko sa cellphone nya.

Hinarap nya rin ako agad. Nakangiti sya na nakasimangot. Ah basta, parang pinipigilan nya na ngumiti at ang cute nya lang.

"Mhie.. Sorry na.." Hinatak ko sya at pinanggigilang yakapin. "Sorry di na ko naka-reply kanina.. Si Mommy kasi.."

"Hay naku!" Sus. Magrereklamo pa sya pero niyakap nya rin ako. Hehe. Sarap nya yumakap. "Wala naman na sakin yun.. Naiintindihan kita pero..bakit ka ba hinihingal ngayon?"

"Uhmm.. Hinanap kasi kita? Hehe.."

"ANOH?!" sa gulat nya halos umalis na sya sa pagkakayakap ko pero syempre di ko sya pinakawalan. "CJ naman.. Alam mo namang bawal ka mapagod diba? Mamaya, hikain ka nyan."

"Okay lang. Nakita naman na kita ngayon at nayakap pa." Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya kasabay ng paghinga ko nang malalim at paghalik ko sa noo nya. "I missed you, Rachel.. So much.."

Natawa sya ulit at binalik na ang pagkakayakap sakin. "I missed you too, Dadhie.. And I love you.."

AKO NA ANG NGITING-NGITI DITO. Ang saya eh. Knowing that Rachel loves me.

"I-love-you-too." pabulong kong sagot sakanya. "Pero Mhie, alam mo ba..."

"Ano?"

"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito.."

"H-HALA!" bigla nyang tinago ang mukha nya sa dibdib ko. "Sobrang nag-pi-PDA pala tayo dito! Kaw kasi.." >///

"DADDYYY!"

Oh si Andy! Magkahawak-kamay silang lumabas ni Adrian mula sa loob nitong fast food resto. Halatang nagulat si Adrian nang makita nya ko habang si Andy, bumitaw na sakanya at tumakbo papunta samin ni Rachel.

"YAKAPAAAN!" kahit kailan talaga, gustung-gusto nya ang yakapan.

Kaso, tuluyan nang humiwalay sakin si Rachel kaya sya na lang mag-isa ang nayakap at binuhat ko. God. I missed this kid too.

"Daddy! We played po dun sa may arcades! Maraming tickets kaming nakuha po and pati yung train set po!" Mabilis nyang kwento habang tinuturo yung bitbit ni Adrian na plastig bag na may malapad na toy box.

"Wow.. May bagong toy ka na naman pala noh.. Eh teka, nasaan na kiss ko?"

Sa tanong ko yun ay binigyan nya nga ko ng trademark kiss nya, yung may malakas na MWUAH at may kasunod na 'I LOVE YOU!'.

"I love you too, baby.." Binaba ko na sya at hinimas ang ulo nya. Napansin ko rin si Adrian na lumapit na samin. "Uhm, may gagawin pa ba kayo dito?" I asked them.

Nagkatinginan sila ni Rachel.

"Wala na." sabay nilang sagot. Rachel was smiling and Adrian was..I don't know. He looked kinda dismayed.

"I see.. Then uuwi na kayo? Ako na maghahatid sa inyo ni Andy kung ganun." I suggested, looking at Rachel and that surprised them both. Lalo na si Adrian.

"Sure ka?" tanong ni Rachel sakin. "Hindi ba, kasama mo ngayon ang parents mo?"

"No. Uh, I mean, yes kasama ko sila pero..wala na kong kailangang gawin kasama sila.."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!