CHAPTER 24 (UNEDITED)

217K 4K 111
                                    

Update Date: 08/18/2018

*Third Person's POV*

First time na magsama sina Japs at Rayne pagkatapos nung nangyari sa bar ni Vince. Mga 15 minutes na rin silang nakaalis at simula nung pagandar ng sasakyan kanina, wala paring umiimik sa dalawa; tanging boses lang sa radyo at tunog ng makina ang naririnig. Pareho silang nagkakahiyaan pero more than anything or anyone else, mas nahihirapan si Japs. Because first, kasama niya nanaman yung crush niya; and second, dahil kasama niya yung crush niya, nahihirapan siyang mag-focus sa daanan kaya kanina pa siya pasulyap-sulyap lang kay Rayne.

Oh, how he wishes na kasama niya yung driver niya.

"Uhmm, ang dilim na pala noh?"

"Huh? Ah, oo. Eh kasi mag-10 pm na rin naman."

"Ay oo nga, sabi ko nga eh."

BAKIT KA PA NAGSALITA, JAPS?! Tanong niya sa sarili habang umiiwas na sa tingin ng katabi niya. Alam niya na normal na sa mga tao na maingay siya at kilala siya sa mga hirit niya. Pero bakit ngayon pa? Kung kelan kasama niya si Rayne, siya pa talaga nangpapahiya sa sarili niya.

Natuwa naman si Rayne habang hiyang-hiya si Japs. Ang cute niya talaga. Pero para naman mawala na yung awkwardness sakanila ngayon, siya naman yung nagsalita.

"Sorry nga pala nung last time." Pinatay ni Japs yung stereo.

"Wala yun. Ako nga dapat mag-sorry. Masyado akong naging harsh sa'yo."

"May point ka naman eh. Actually, tinanong ako agad ng mga cousins ko. May nakapagsabi kasi sa kanila na hindi mapagkakatiwalaan yung Luke na yun."

"Kaya sa susunod huwag ka na sumama sa kahit na sino."

"Hindi mo na kailangan sabihin yan."

"What do you mean?"

"From now on, hindi na muna ako makikipagdate kahit kanino." Saktong naka-stop sign kaya napatigil si Japs at sabay tingin kay Rayne.

". . . Bakit naman?" nagulat si Rayne sa biglang tingin ni Japs. Oo, malapit na siyang masanay sa mga tingin ni Japs pero iba to, yung tipong he's longing for something, hopeful, ganun. Pero at the same time, may sadness. Hindi niya maintindihan. Muntik niya na makalimutan yung sasabihin niya pero natuloy niya parin ito,

"Ever since naman, ang dahilan kung bakit ako nakikipagdate ay kasi baka makita ko sa kanila yung true love ko. Lahat naman yata yun ang hinahanap.

"Tapos ngayon?"

"I'll wait for him na lang. Bahala na si destiny sa amin."

"Tama yan." At sabay balik ng tingin ni Japs sa daanan at pinatakbo na ulit ang sasakyan.

Pero kung tutuusin, hindi lang yun ang gustong sabihin ni Japs. Sana siya nalang. Sana siya nalang yung true love na hinahanap ni Rayne. Hindi ba talaga pwede yun? Ganun ba kaimposible na matupad yung hiling na yun?

"Ikaw ba Japs, nakita mo na ba yung true love mo?"

"True love ko? Hindi pa ako sigurado eh. Pero crush kita, hindi ba pwedeng ikaw nalang?"

nakangiting tumingin si Japs kay Rayne.

And for the second time sa gabing yun, ginulat na naman siya ni Japs. Hindi alam ni Rayne kung ano ang gagawin at sasabihin niya. Pwedeng-pwede, Japs. Kung alam mo lang. Kaso, alam kong nagbibiro ka lang eh. Ang nasabi nalang ni Rayne,

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon