This story is inspired by Mr. Cold (the heartbreaker) by one of my favorite author, MarsValena. ENJOY~ 

***

Introduction ng CONCEITED na BIDA:

Spell man-hater? L-I-A-N I-S-A-B-E-L-L-E S-O-L-I-S

Oo! Ako nga! Matapos akong iwan ng lalakeng ‘yun! Bago pa siya umalis, nag-iwan siya ng mga salitang nagpaguho ng mundo ko. Sino ba namang babae ang gugustuhing masabihan ng taong gusto niya ng mga ganitong salita?

“I don’t love you, kaibigan lang ang turing ko sayo simula pa noon. Niligawan lang kita para naman hindi ako mabored, kaya ngayong pupunta na akong Italy, hindi na ko mabobore dun, kaya, thank you ah. Thank you for loving me pero hindi ko kayang suklian ‘yun”

At nagawa pa niyang ngumiti na para bang walang nasaktan sa sinabi niya! Hanggang ngayon ang sakit pa ring isipin na nasabi niya sa akin ang lahat ng iyon.

Kaya naman ayaw ko pa talagang magkaboyfriend, kahit crush, kahit ang dami ng nanligaw sakin na puro nireject ko lang…

Nagtransfer ako kasama ng mga kaibigan ko kahit magfofourth year na kami. Ayaw ko na sa school na pinasukan na kasama ko siya, maalala ko lang yung mga araw na ang saya naming dalawa. Hindi. Ako lang pala ang naging masaya, kasi lahat ng pinakita niya sakin noon ay FAKE. At sa lahat ng ipinakita niya, hindi ko na alam ang totoo sa hinde.

Pero talagang malas yata talaga ako, may isang lalake akong kinaiinisan. Napaka-heartbreaker niya! Akala mo kung sino! Lahat na yata ng babae sa campus nareject na niya! Eh ito namang tatanga tangang mga babae hindi tumitigil eh kita na nilang wala na silang pag-asa!

Siya ang nagparealize sakin na lahat ng lalake ay wala nang ginawa kundi magpaiyak ng mga babae! Grrrr! Ang sarap niyang tirisin kahit gwapo siya, kahit matangkad siya, kahit matangos yung ilong niya, kahit ang ganda ng mata, kahit—AHHH! Ano ba yan!? ERASE ERASE ERASE. PANGIT SIYA! OO! PANGIT SIYA TALAGA!

Ang pangit ng pag-uugali niya, kapareho din niya siguro yung mga kaibigan niya, pareho pareho sila! Bitter na kung bitter pero man-hater nga di ba?

Kaya tandaan niyo ang pangalang to—LIAN ISABELLE SOLIS—Ang maganda pa sa pinakamaganda, ang sexy pa sa pinakasexy, ang maalindog pa sa pinakamaalindog. HAHAHAHA! Basta! Maganda ako PERIOD! 

The Heartbreaker Meets The Man-hater (EDITING AND REVISING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!