Chapter 49: Beginning Today

92K 1.8K 49
                                    

Chapter 49

Lumipas ang mga buwan at tuluyan nang iniwasan ni Amara si Tyron. Patuloy pa rin ito sa pagsuyo sa kanya, ngunit hindi na niya talaga kayang patawarin ang binata.

Sa dinami-dami ng lalaking kanyang nakarelasyon, kay Tyron lang niya ibinigay ang buong pagkatao, puso at pati na ang kanyang kaluluwa.

Kaya't ganoon na lang ang naging galit n'ya rito nang hindi siya pakinggan ng binata sa kanyang mga paliwanag at pinaratangan ng mga bagay na walang batayan.

Nagdesisyon na si Amata na sa Amerika ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis, mas maigi na rin iyon para makaiwas siya sa stress at sa mga bulong-bulungan tungkol sa kanyang pagdadalang tao.

Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Amara. Hindi na n'ya tinapos ang kanyang pag-aaral dahil masyadong maselan ang ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis.

AIRPORT:

"So pano girls alis na 'ko." nakangiting sambit niya sa kanyang mga kaibigan.

"Ano ba 'yan bakla naiiyak ako! Masisira 'yung muk-ap ko! Kaimbyerna!" maarteng wika ni Jefra ngunit ang totoo ay nalulungkot ito sa pag-alis ng dalaga.

"Ang arte mo talaga Jefra, hindi ka naman maganda!" natatawang sabi ni Bianca para pagaanin ang sitwasyon.

"Letsugas ka Bianx ahh! Namumuro ka na sa akin!" naiinis na anas ni Jefra sa dalaga.

"Hoy tumigil na nga kayong dalawa, agaw eksena naman kayo eh." bulyaw ni Cindy sa dalawa para patahimikin na ang mga ito.

"Sorry naman bakla, nacarried away lang ang beauty ko." saka winagayway ni Jefra ang kanyang buhok kahit maikli pa ito.

"Paano bes, hanggang dito na lang tayo ingatan mo ang sarili mo ha? Kayo ng magiging inaanak namin." sabay yakap ni Cindy kay Amara na sobrang higpit.

"Oo naman bes, basta Facegram tayo palagi." naluluhang sambit ni Amara saka ngumiti ng alanganin.

"Bye bakla," beso ni Jefra. "Ingat ka doon ahh, kamusta mo kami kay Tita at kay Tito."

"Thank you bakla," balik beso n'ya dito. "Keep in touch tayo sa facegram okay?"

"Bye girl," yakap naman ni Bianca rito. "Mamimiss ka namin."

"Mas mamimiss ko kayo girls, Mamimiss ko 'yung mga bonding natin," naluluhang sambit ni Amara. "Basta palagi n'yo akong babalitaan sa mga ganap n'yo sa life ha?"

"Haaaaayyyy.. Naiiyak na'ko mga bakla ! Group hug." wika ni Jefra at iminustra ang kanyang mga braso para yakapin ang kanyang mga kaibigan.

Nag-iyakan ang magkakaibigan, dahil sa loob ng apat na taon ngayon lamang may mawawalay sa kanilang apat.

Simula kasi nang nabuo ang kanilang friendship, halos hindi na mapaghiwalay ang mga ito kaya't ganoon na lang sila naging emosyonal.

"Oh s'ya girls alis na ko, palagi n'yo ko vivideo call, update n'yo ko sa mga happenings n'yo sa life okiedokie?" wika ni Amara sabay pahid ng kanyang luha.

Tumango na lang ang kanyang mga kaibigan at tinanaw si Amara na papasok na sa loob ng departure area.

Bago tuluyang pumasok sa loob ang dalaga, muli n'yang nilingon ang kanyang mga kaibigan at kumaway sa mga ito tanda ng kanyang huling pamamaalam.

Agad namang kumaway pabalik sina Cindy, Bianca at ang todong iyak na si Jefra sa kanilang matalik na kaibigan.

Hanggang sa nakapasok na si Amara sa loob ng departure area.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon