Chapter 34: Inlike

1.1K 13 5

Chapter 34:Inlike

"Sorry kung natagalan ako." tumingin lang sakin si Monggi at pinagpatuloy yung binabasa niyang libro.

Magsisimula na sana akong magdilig kaso nakita kong ang gulo ng mga bulaklak.

"A-anong nangyari dito? Bakit naging ganito?" kaso may isang hindi ginalaw. Ang nagiisang rose sa Green House na 'to.

Naaalala ko pa nung sinabi niya na ibibigay nya daw yun sa babaing gusto niya.

"Anong bang problema mo?" tanong ko kaso ayun siya patuloy na nagbabasa at parang hindi ako nagsasalita sa harap niya.

"Huy!" inalog ko na yung braso niya.

"Ano ba Reign! Can you see, I'm reading so don't disturb me!"

"Ano ba problema mo? Nagtatanong lang ako! Leche." patayo na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko.

Napatingin ako kay Monggi kaso nakatungo lang siya. Dahan-dahan niyang binatawan ang braso ko.

"You're free." bulong niya at tumayo na.

Naestatwa ako. I'm free? What did he mean? I'm free kasi tapos na yung kontrata na maging P.A. ako o I'm free kasi suko na siya sa panliligaw niya kuno?

Hahabulin ko sana si Monggi kasi wala na siya. Ako na lang tao sa Green House niya.

Anong I'm free Monggi?

"Yahnie, balita ko hindi na kayo nagsasama ni Zuriel. Bakit?" tanong sakin ni Shane.

1 week na akong hindi pinapansin ni Monggi. At 1 week n akong nililigawan ni Royce. Yes. Narinig nyo nililigawan niya ulit ako.

Second chance daw. So ayun, pinagbigyan ko. Everyone deserves a second change.

(A/N: At dahil nasama na din naman ang word na Chance at bago pa tayo magdramahan. Hahaha. Kindly read my friend's work. Chance ang pamagat written by BlackPearlEris. Ayun :)) Maganda yun. True to life XD)

"Busy kasi siya. Busy din ako. Hehe." Sa totoo lang gusto kong iwasan ang balita na yan. Kahit si baklitang Daniel  lumuhod pa sabihin ko lang daw kung bakit hindi na kami nagsasama.

Pero I'm still shut my mouth up. Ayokong pausapan.

"Shane bye na. Ingat ka."

"Ikaw din." at kumindat pa. Ang ganda talaga niya.

"Yahnie, sorry I'm late. Naghintay kaba ng matagal?" pero medyo.. Medyo lang naman. Namimiss ko si Monggi.

"Uhmm. Yahnie?" syempre almost 2 months na nagsama kami kaya nasanay na ako na may Monggi'ng manggugulo ng araw ko.

"Yahnie are you alright?" natauhan lang ako ng makita ko si Royce na nakakunot-noo. "Anong iniisip mo?"

"R-royce! N-nandyan ka na pala. Sorry medyo nadala lang ako sa napanuod kong movie kagabi." ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Love story?" nagsimula na kaming pumunta sa parking lot.

"Uh-huh. Ang kaso nalungkot ako kasi hindi sila nagkatuluyan sa huli." Pero totoo talaga yung sinabi ko na nanuod ako ng movie na lovestory kagabi.

"That's life." napatingin ako kay Royce. "Sabi nila Everyone deserves a love story. Pero dahil hindi nga perpekto ang buhay may lovestory na napupunta sa sad ending. That's life. We need to face it." tumingin sakin si Royce at ngumiti.

"Pero naisip mo ba, kahit ganun worth it pa din. Why? Kasi kahit nasaktan ka dahil hindi kayo ang nagkatuluyan atleast natuto kang magmahal." kinurot niya ang pisngi ko. "At magpahalaga."

Napangiti ako. Kahit pala naging playboy si Royce alam niya kung ano ang love. Lahat naman talaga tayo nagmahal na. Kahit sobrang sama mo. Nagmamahal ka pa din. That's life sabi nga ni Royce.

Hinatid ako ni Royce sa bahay at naabutan ko si Lenzie na nasa kwarto ko. Nakahiga habang nanunuod ng movie, may ice cream pa yan.

"Huy! Bakit mo na naman kinain ice cream ko?!" tumingin lang siya sakin at tumutok ulit sa pinapanuod niya.

"So, inlove ka ulit kay Royce?" napatingin ako kay Lenzie habang boring face na nakatingin sakin.

"Huh?"

"Yahnie. Kamusta na kayo ni Zuriel?" out of the blue na natanong niya.

"Ako ok lang. Ewan ko kang sakanya kung kamusta na siya."

narinig kong bumuntong-hininga si Lenzie.

"Ni-minsan ba Yahnie naiisip mo si Zuriel? Kasi ako kung ako tatanungin. I don't feel na gusto mo pa si Royce. I mean, yeah you give him a second change pero for what? You're still inloved to Royce?" Mahal ko pa nga ba si Royce? Bakit ko siya binigyan ng chance?

"You're thinking because you're not sure. Face it Yahnie. You're not inlove to Royce you're inlike to him."

"How did you say so?"

"C'mon. Yahnie sinaktan ka ni Royce pero after few days ni-hindi mo na siya naiisip. Ni hindi mo na nga siya nakukuwento." Oo nga 'no. Simula nung nakilala ko si Monggi.

"Kasi... syempre.."

"Syempre ano? Dahil hindi mo naman talaga siya mahal. Ano ba Yahnie ako pa niloko mo? Huwag kang gumawa ng desisyon na pagsisihan mo."

Nakatulala akong nakatitig kay Lenzie.

"Lenzie, ikaw ba yan?"

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!