*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 60: The Great War

Third Person's POV

Dahil sa sobrang saya ng pagkakataong nagkita-kita na sina Van, Kisha at Savannah ay nakalimutan nila ng panandalian na nandito na si Gregory Archer at buti na lamang ay naalala ni Van na dinala nga pala niya ito dito...

“I almost forgot. This is Gregory Archer” lahat sila ay nagbigay galang dito lalong-lalo na ang Archer Brothers at si Carl Archer na manghang-mangha dahil pagkatapos ng mahabang panahon, ay muli nilang nakita ang mukha nito...

“He will be the one to help me?” tumango naman si Van kay Kisha. Lumapit si Gregory sa kanya at hinawakan ang kanyang noo. Napalunok si Kisha dahil sa lamig ng palad nito na pakiramdam niya ay ang lamig mula dito ay pumapasok sa loob ng noo niya pababa sa katawan niya...

“Seriously? Ito lang pala ang problema” nakangising sabi ni Gregory at dahil dito ay nalaman nilang may solusyon pa sa problema nila. Lahat sila ay nakafocus sa gagawin nito at hindi nila inaalis ang tingin nila dito. Nabalot ng  katahimikan ang buong kwarto... “Dahil sa dugong itinurok sa kanya ay nagulo ang daloy ng dugo niya. Dahil din ito sa epekto ng chemical na itinurok sa kanya at nablock ang memorya niya dati. Dahil sa sari-saring emosyon na naramdaman niya ay nahati siya sa dalawa at mas pinili ng isip mo na gamitin ang masama mong side at nakulong sa loob mo ang tunay na ikaw marahil siguro sa matinding galit mo kay Van” Hindi na nagulat si Kisha na alam na nito lahat. Dahil nga eksperto ang mga Archer sa larangan ng takbo ng isip ng isang tao, sa loob lamang ng ilang minuto ay alam na ni Gregory lahat ng nangyari...

“A-Anong dapat...mong gawin?” tanong ni Kisha sa kanya...

Hindi na sumagot pa si Gregory at hinawakan nito ang kanyang ulo. Tumingin si Gregory sa kanyang mga mata, noong una ay parang walang nangyayari pero pagkalipas ng ilang minute ay para bang unti-unti siyang hinihigop nito at sa isang iglap ay nasa isang lugar siya. Ang dilim ng kalangitan at nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay nadako ang tingin niya sa isang babae na nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng itim at siya naman ay nakasuot ng puti. Nakangisi ang babae sa kanya. Teka, kamukha niya ang babae sa harapan niya...

“Ngayon, nakikita mo ang iyong sarili sa iyong harapan. Siya ang kabilang bahagi mo na may masamang puso, kailangan mo siyang talunin para hindi na niya muling magamit ang katawan mo” narinig ni Kisha ang boses ni Gregory sa kanyang utak. Muli siyang tumingin sa babae sa harapan niya na siya naman talaga... 

“Now I get it. I should defeat you” sabi niya dito pero nanatili lamang itong nakatayo. Kinuha na ni Kisha ang pagkakataon para sumugod dito. Binalot niya ng yelo ang kanyang kamao upang isuntok sa mukha nito pero nagulat siya ng mabilis itong nakaiwas. Hindi niya namalayan na nasa likudan na pala niya ito at mahigpit nitong hinawakan ang kanyang buhok...

“You can’t defeat me. Tatalunin kita at habangbuhay kang makukulong sa sarili mong katawan” tumawa ito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang buhok. Idinipa siya nito sa may lupa at tinapakan ang kanyang likudan. Hindi naman makatayo si Kisha dahil sobrang diin ng pagkakatapak nito sa kanya... “Die, Kisha Louise Raven” nakita niyang naggawa ito ng bolang apoy sa kanyang kamay at bago pa nito maitira sa kanya ay agad pinilit niyang bumangon. Hinawakan niya ang paa nito at itinulak palayo sa kanya. Nabalutan ng kuryente ang kamay ni Kisha at gamit nito ay agad siyang sumugod at pinuntirya ang puso nito. Sa isang kamay naman niya ay naglabas siya ng tubig. Binasa niya ang buong katawan nito at tsaka muling pinuntirya ang puso nito. Sumigaw sa sakit ang babae sa harapan niya. 

Ganito pala ang itsura ko kapag nasasaktan? Oh well, maganda pa rin naman ako...

Nang nakasigurado na siyang hindi na tumitibok ang puso nito ay lumayo na siya dito at tiningnan lamang ito na naging abo. Dinala ng hangin ang abo nito at lumiwanag na ang kalangitan. Muli niyang narinig mula sa kanya utak ang boses ni Gregory... “Magaling Kisha. Nagtagumpay ka” rinig mula kay Gregory ang pagkatuwa na malagpasan ni Kisha ang pagsubok na ito...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!