Rylie's POV

Akmang aakbayan kami nung dalawang asungot

Kaya naman 

TINADYAKAN NAMIN SILA SA….

SA TUHOD!…..*INSERT EVIL GRIN*

“AHHHHH…ARAYY!!!!(>~<)

“HMPP, BUTI NGA SA INYO!!...MGA ASUNGOT!” sabi ni Zoe sa dalawa

Nung mapansin kong nakakarecover na yung dalawa sa sakit ng tadyak namin sa tuhod nila

Hinila ko na si zoe palayo kasi parang alam ko na yung gagawin nung dalawa sa amin…

Naiisip ko na ata yung gagawin nila samin kaya...

“WAHH TAKBO ZOE!!” sabay kami ngayong tumatakbo palayo sakanila dahil hinahabol na nila kami

“HOY BUMALIK KAYONG DALAWA DITO!!..DI PA KAMI TAPOS SA INYO!!” sabi ni Justin

"Hoy! sinong mga asungot huh?!...hoy bat ba kayo tumatakbo?!" sabi naman ni JKO

“Zoe kunware wala kang naririnig..naiintindihan mo ba?!” sabi ko sakanya..eh sa malakas yung kiliti nyang babaeng yan….kahit saan ata may kiliti yan eh. Sa leeg, sa tagiliran, sa tenga at sa iba pa.

hindi naman ako sure kung kikilitiin talaga nila kami pero naisip ko lang bigla kaya ayun.

“OO , OO, na-NAIINTINDIHAN KO” sabi naman niya saken na parang kabang-kaba…kung nakikita lang niya yung itsura niya ngayon…waahhahahaha ang PANGET..XD

Para kaming nasa action movie ngayon…ay mali…HORROR movie pala…

Feeling kasi namin mga multo o kung ano mang nakakatakot na nilalang sila

Takbo kami ng takbo dito tapos ang masama pa nito ay naka uniform kami

At take note: SKIRT YON!

Nakaka wa-poise din yun no!

Sa sobrang pagod sa pagtakbo

Nagtago na lang muna kami sa Comfort room for girls…siguro naman hindi na kami makikita dito at susundan…

Unless pumasok sila sa loob….hindi naman siguro

Chineck ni zoe kung wala na yung mga asungot sa labas

(

(>,>)tingin sa left

“CLEAR..SAFE NA TAYO” tignan mo to kanina lang takot na takot siya ngayon naman para siyang nasa gera..sus..ewan ko ba paano ko to' natiis.

“tara may 5 mins. Nalang tayo para pumunta a next class naten”

“AYAYE…CAPTAIN” nakasalute na sabi niya saken..tapos nag mamartsa pa palabas ng C.R.(-_-)

~~~***~~~***~~~*****~~~****

Zoe’s POV

“Hi everyone!!!” bati namin ni Ry sa mga classmates namin

“Hi Zoe”

“Hi Rylie!”

“Hello!” aww diba ang sweet nila!..^_^…

ganyan na ang daily routine namin ni Ry Sa kanila kasi tinuturing namin silang lahat na kaibigan namin at para na rin maialis yung pagiging awkward niya sa tao

“HOY ZOEN!”

“AY EMPAKTO KA!”

“ANO? AKO EMPAKTO?! SA GWAPO KONG TO'?” hayst bwiset talaga tong asungot na to’!...pigilan niyo ko masasakal ko talaga to'...ang yabang men…(-_-)

“Oo, bakit may angal ka?!” sigaw ko sakanya

“Wala, baket may sinabe ako?!” pasigaw na sagot  nitong  si JKO

“bakit ba kailangan mong sumigaw?” mahinahong sabi ko sakanya w/ matching puppy eyes..paawa effect to' guys pagbigyan niyo na

“uy, may problema ba?” uy guys…EFFECTIVE!!!\(^-^)/hurray!

“wala” tapos inirapan ko siya

“uy”

“…”

“Zoe”

“Baket?” masiglang sagot ko sa kanya..ayaw ko kasi ng tinatawag akong ZOEN.. ang pangit kaya iniinis nga ako nung elementary dahil sa second name ko para daw kasing brand ng underwear psh. Kaya nga naiinis ako dahil dun

“psh..yun lang pala” bulong niya tsaka iniwan na ako dun sa pwesto ko

huh? anong problema nun? 

Yun nga pala si John Keith Ocampo…also known as ”JKO”…17 yrs. Old

anak ng isa sa pinaka mayaman na businessman dito sa bansa…

oh well..gusto niyo ng descriptions?...eto

Mayaman..saksakan ng yaman

Gwapo

Matalino…(asus average lang maniwala kayo saken)

Matangkad

Chinito

Fair skinned

Pero….

Suksukan ng YABANG..pag sinabi kong mayabang literal

Tapos….hindi ko descriptions yang mga nasa taas ah…yung pinaka dulo lang kasi yun lang yung totoo para saken..(bitter kung bitter..eh sa naiinis ako sa kanya eh)

Kaklase namin sila ni Ry sa course namin na “Fine Arts”

sa pagkaka alam ko Playboy yan eh pero ewan ko lang kung totoo yun…Rumours..tsk tsk

Sa pagkaka alam ko ren eh lumaki si JKO sa ibang bansa nung bata pa siya..

kaya pala magaling siya sa pagsasalita ng English…

well KAYA  ko naman mag English no!..yung sa kanya nga lang eh sobrang fluent..parang ganun

Ewan ko ba kung bakit sobra yung inis ko sakanya…siguro dahil ayaw ko sa mga playboy?

Eh hindi nga din yun sigurado eh, EWAN…isang malaking QUESTION MARK yung nakalagay sa utak ko ngayon…

To be continued…




Friends....forever?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!