Chapter 33: Royce

1.1K 21 7

Chapter 33:Royce

"Ano ba status nyo ni Zuriel? In a relationship? Complicated? Engaged? Married?" Napatawa naman ako. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Lenzie.

Medyo hindi na kami naguusap ni Lenzie after 2 weeks. Ewan ko din, e. Kung bakit biglang ganun. Palagi ko na kasing kasama si Shane.

"Ang duga mo naman Sissy. Ilang weeks tayong hindi naguusap ng ganito tapos tatawanan mo lang ako. At parang pinapalitan na ako ni Shane." napatungo siya at pinaglaruan ang shake ng Inorder niya.

"Sissy ikaw ba yan? Nakakapanibago. Ofcourse not. Hinding hindi mapapalitan ni Shane si Lenzie. You're still my bestfriend." ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.

"Namiss talaga kita sissy! Palagi ka na lang kasi sumama kay Shane, e. Anyway, back to Zuriel. So,ano na ba ha? It's almost 1 month nung pumunta tayo sa WoodLey at gumawa siya ng isang eksenang kahit haters mo kinilig." Napangiti ako. Yeah. 1 month na ang nakalilipas ng sinabi niya na ako lang gusto niya maging partner.

Pero sad to say, I'm just his P.A. Ang gulo ano? Sabi niya nililigawan niya ako pero hanggang ngayon P.A. pa din pala. Sobrang gulo. Mas magulo pa ata siya sa kwarto ko, e.

"Sobrang daming nangyari. At kamusta si Alziena at ang kapatid mo?" Oo nga pala. Remember yung pupunta din si Yosef sa WoodLey? Nakita ko siya dun. At siya pala yung naririnig ko nun na bampira sa horror house. Kasali talaga siya sa booth. Si Alziena sa Benelux talaga nag-aaral. Ewan ko kung paano sila nagkakilalang dalawa.

"Ayun. Buhay sila. Huwag ka ng diyan Lenzie! Para namang ang tagal nating hindi nagkita. Ang lapit lang kaya ng bahay namin sainyo."

"Hehehehehe." tumingin ako sa orasan ng cafeteria at it's time to go.

"Bye Lenzie. I really need to go." at nagmadali na kong lumabas sa cafeteria. I'm going to Green house para diligan ang mga bulaklak ni Manong Zuriel.

Ang weird ano? Lalaki siya pero mahilig sa bulaklak. Normal ba yun?

Napabuntong-hininga ako. Bakit kailangan ko pang problemahin ang mga bagay na hindi naman dapat problemahin? Kung gusto nya mga bulaklak edi gusto nya.

Pagkaliko ko nakita ko ang mga Gotcha Girls. May hinihintay. Ilang months din nila akong hindi ginulo. Nakatulong nga ang pagiging P.A. ni Zuriel.

"There she is." sigaw ni April ng makita ako. Nakasmirk siya habang may hawak na kahoy.

"Ilang months din kami nanahimik. At talaga namang inangkin mo na ang prinsipe ko."

"Natin naman April. Unfair." sabi nung isa.

"Oo nga. Hindi lang sayo si Prince Zuriel." Sabi naman nung isa.

"Shut up! Anyway, kamusta naman? Masaya ba? Hanggang ngayon na lang yan." napatingin siya sa kahoy na hawak niya.

Teka don't tell me....

"Oo. Tama si April. Hanggang ngayon na lang yan dahil siya si Darna na papatayin ka." nasitawanan naman yung iba habang kami nagkatinginan ni April.

"Last mo nang joke yan!" Sabay naming sinabi ni April. Parehas pala kami ng iniisip.

Nilahad niya ang kamay niya sakin para mag-apir kami.

"Ok close na kayo April?" tanong nung isa. Bigla lumayo si April sakin at masamang tinignan ako.

"No. And never." Tinignan niya yung kahoy na hawak niya. "Eto. Eto ang nababagay sayo." Hindi ako nakagalaw dahil nakita kong mabilis na itinaas ni April ang kahoy para paluin ako.

Pero biglang.....

"Royce!" sigaw naming lahat. Bigla na lang sumulpot si Royce at sinalo ang hampas ng kahoy na dapat ay sakin. Sa likod siya  natamaan.

"Hala! Royce ayos ka lang? Masakit?" tanong ko.

"Hindi ba obvious, tignan mo nga at napahiga siya sa sakit tapos tatanungin mo siya kung masakit ba." epal naman nung isang member sa Gotcha Girls.

"Sorry. Hindi dapat--"

"Don't worry. Hindi naman masyadong masakit. Ikaw ayos ka lang" nagaalalang tanong ni Royce. Napasinghap kaming lahat.

"Royce. Ikaw dapat ang tinatanong kung ayos ka lang hindi ang baba---" hindi na natapos ni April ang sasabihin niya dahil biglang sumigaw si Royce.

"Umalis kayo. At leave us alone! Malaman ko pa na saktan nyo siya ako na ang makakalaban niyo." nagsitakbuhan sila.

"Royce..." bulong ko. Ewan ko pero biglang kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayos ba? Natakot na sila. Hindi ka na nila gagalawin. Ayos ka lang talaga?" napaluha ako. Nagawa niya pang ngumiti nyan kahit nasktan na siya. Pinalo ko siya.

"Kahit kailan talaga ang ewan mo! Ikaw nga 'tong nasaktan tapos ako tatanungin mo. Nakakainis ka." pinunasan ko yung luha ko kaso may tumulo na naman.

Pupunasan ko na sana ulit kaso naunahan na ko ni Royce. Siya na mismo ang nagpunas.

"Ilang luha na ba tumulo diyan sa mata mo ng dahil sakin?" napatingin ako kay Royce. Napakaseryoso niya habang nakatitig saakin.

"Alam ko, ang dami kong pagkukulang. Sorry Yahnie for everything that I've done to you. Alam kong hindi na mababalik yung trust mo sakin pero sana maniwala ka na...." nabuntong hininga siya at tumungo.

Ano yun Royce? Ano yung paniniwalaan ko sayo?

"And cut! Sobrang galing nyo! Best actress and actor." napatingin kami sa nagsalita at si Monggi habang pumapalakpak.

Tumingin siya sakin at dumaan sa likod ni Royce.

Susundan ko ba si Monggi o aalamin ang gusto kong paniwalaan?

---

A/N:  Kahit dito magcoment kayo mga silent readers ;3 Jebaaaaal~ XD O Yahnie ang gulo ng buhay mo, at dahil diyan akin na si Zuriel XD Hahaha.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!