Chapter 32: Give up

1.1K 22 6

Salamat sa dalawa kong kaibigan na palaging nandiyan para suportahan itong story ko. @BlackPearlEris at @ShinyLover salamat talaga :"> At thank you din sa mga silent readers. Lovelots guys ;)))

-Jinju <3

----

Chapter 32: Give up

"Waah! Lola mamimiss kita! Babalikan kita dito salamat po sa lahat ng sinabi mo sakin kagabi."

"Ano yung sinabi sayo ni Lola?" singit ni Monggi. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Wag po kayong mag-alala, aalamin ko po yun."

"Anong aalamin mo?" singit ulit ni Monggi.

"Wala yun hija. Basta sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo" at yinakap ko si Lola Maria. Sobrang nakatulong siya.

"Lola, kailan pa nagkaroon ng bibig ang puso?" singit ulit ni Monggi. Binatukan ko na nga, kahit kailan talaga nawawala commonsense ni Monggi kapag pag-ibig na pinaguusapan.

"Osya. Balikan mo ko Ulan ha?" natawa ako. Ulan kasi tawag sakin ni Lola ng malaman niya ang pangalan ko. Masyado daw kasing mahirap kabisaduhin ang Yahnie. Kaya ayun tinagalog niya yung Reign ko na ang bigkas ay Rain.

Kumaway ako habang nagsisimula ng umandar ang bangka.

"Lola! Mamimiss kita! May fb ka?! Add kita. Chat tayo." naluluha kong sinabi. Binatukan ako ni Monggi.

"Walang alam yan sa mga ganyan. Baliw!" napanguso ako at tinignan ko si Lola na nakangiti habang sinusundan kami ng tingin.

"Nakikita ko sa mga mata mo. Alamin mo ang totoong nararamdaman mo. Hindi siya, ako o kung sino man diyan ang makakapagpaliwanag kung bakit mo siya gusto.Kundi sarili mo."

Napangiti ako ng maalala ko ulit ang sinabi niya ng tinanong ko kung paano niya nalaman na gusto ko si Monggi. Tama. Ako lang makakapagsabi kasi sarili ko 'to, e.

Pagbalik namin. Mga ka schoolmate namin nakaabang at parang may hinihintay.

"Nandito na sila!" sigaw ng isa ng makita kami. Kami pala hinihintay.

Madaming nagtanong kung saan kami galing. Nagaalala sila kay Monggi. Oo kay Monggi lang. At ang masama sabi nila, nirape ko daw si Monggi kaya hindi agad kami nakauwi. Jusko po! Inosente pa ako sa mga ganun ano ba!

Napailing na lang ako at iniwan ang mga tao na hindi tumitigil sa pagtatanong kay Monggi kung bakit kami hindi nakauwi kahapon.

Nawala ata mga commonsense nila. Ang lakas kaya ng ulan kagabe sa tingin nila sinong matinong tao ang sasakay ng bangka habang sobrang lakas ng alon?

Papasok na sana ako sa kwarto kung saan kami na check-in Lenzie ng makita ko si Shane na lumabas sa kwarto kung saan naman siya nakacheck-in.

Hindi ko alam kung ano gagwin ko kasi nakita kong seryoso siya at hindi ngumingiti. Ngingiti na sana ako ng bigla na lang siya pumasok ulit sa kwarto niya.

Galit ba siya? Anong ginawa ko? Nakita naman niya ako diba? O sadyang malabo lang mata niya at di niya ako nakilala. Hindi din kasi siya nakasuot ng glass kaya baka nga hindi niya ako nakilala.

Lumabas ako ng maghahapunan na. Pumasok kanina si Lenzie at tinanong yung nangyari. Kinuwento ko naman at umalis na siya pagkatapos. Sinasama na nga niya ako kaso sabi ko susunod ako.

"Ma'am nasa labas po sila. Sumunod ka na lang daw dun" tumango ako at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong kumain pumunta na ko sa labas at may game silang gagawin.

"At dahil this is our last day staying here. Let's make a game. Tawagin nating 'Nasan na you baby'" nagtawanan yung tao dahil sa game na binabalak ng mc. Medyo baduy kasi.

Nakita ko sila Lenzie kaya doon ako umupo.

"Ang tagal mo. Kanina ka pa namin hinihintay." sabi sakin ni Lenzie. Ngumiti na lang ako.

"Ganito. I need 20 representative bago ko iexplain ang laro. 10 girls and 10 boys." patuloy nung Mc. Bigla akong napatingin sa tumabi sakin at as asual. Monggi.

Nakangiti siya habang nakatingin sa mc. Kailangan kong lumayo sakanya. Actually kaya ako nagkulong sa kwarto dahil iniisip ko yung sinabi ni Lola Maria. Napagdesisyon kona lumayo muna kay Monggi para mas lalo akong makapagdesisyon at makapagisip.

"Ako! Your game sounds exiting." sabi ko at dali-daling tumayo. Edi nakalayo din kay Monggi.

Nagsisalihan na yung iba.

"Ok. One more guy. Sino pa ang gusto?" tanong nung Mc.

"Me. Your game sounds exiting" Napalingon kami kung sino ang huling sasali at great! Si Monggi. Paano ako makakalayo sakanya nito? At line ko yun, e. Gaya gaya.

"Ok simulan na natin. Ganito. Tatakpan natin ang mata ng mga boys gamit ang panyo. Habang ang mga babae nakatayo lang at lalaki dapat ang lalapit sa mga babae. At kapag kayo ang nalapitan ng guy. Siya ang makakapartner nyo sa next round." tuwang tuwa naman ang mga babae kasi kasali si Monggi.

Bago magsimula ang laro. Lumapit muna sakin si Monggi at pinabanguhan ako.

"Hoy. Bakit mo ko pinabanguhan?"

"Para maamoy kita at ikaw ang maging partner ko." ngumiti siya at pumwesto na. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Shet lang.

Nagsimula na ang game. Tawa ako ng tawa kasi si Monggi parang aso kasi amoy ng amoy. Para siyang tanga. Hahahahaha.

May isang malapit nasakin na lalaki. Mahahawakan na sana niya ako ng bigla siyang nadapa. Tutulungan ko na sana kaso may humawak sa braso ko.

"Got it!" sigaw ni Monggi at inalis ang piring sa mata niya.

Naka third round na kami. Lima ang natirang partners at kasama kami dun.

"Ang tatag nyo! Hahaha. Ok ang next round ay magkakaroon ng kunting twist. Pwedeng magiba ang partners nyo." hindi pa natatapos  ang pageexplain ng mc biglang umepal si Monggi.

"We're give up. We can't do that. Ayokong maiba partner ko. Gusto ko si Reign lang." at inakbayan nya ako.

Nagsitilian ang lahat ng tao habang ako. Eto tulalang nakatingin kay Monggi.

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!