Chapter 9: Mind Maze

Death could be this savage... so tragic. The dried blood on his white shirt and the dark-bruises and circles on his eyes indicated that it had been a hard death... He didn't just died. He'd been killed. Pero kaninang umaga lang ipinakalat ang flyers tungkol sa pagkawala niya. That cute, nerd-looking guy nung second day... is gone. How did it end up like this?

"Andrew Novou. Junior Student. Siya yung tinanong namin sa'yo kaninang umaga kung nakita mo. God! Sino'ng gagawa ng ganitong kabrutalan?!" Shocked pa rin na wika ni Jamie.

Tyler stiffed on my side at dahan-dahang humakbang palapit sa bangkay. Yumuko siya at may inabot sa leeg ng biktima. Isang kwintas... pero mas mukha siyang maliit na gintong kadena. Meron iyong square na gold-plated pendant na may nakaukit na isang maliit na silver angel at itim na rosas na may gintong tangkay. Hindi ko na nasilayan ang iba pang nakaukit sa pendant sapagkat nakalapit na ang mga taga-faculty at agad din iyong ibinaba ni Tyler.

"Del Valle! Wag mong hahawakan ang katawan ni Novou lalo't wala pa ang mga pulis! Kayong lahat, bumalik sa dorm niyo! Darating na rin ang mga awtoridad," seryosong wika ni Principal Steins. Walang imik at tila may takot sa ekspresyon niya na naglakad si Tyler palayo. Nilagpasan lang niya kami.

Kung ordinaryong pagkakataon lang ito, baka hinayaan ko na lang siya. Subalit may kakaiba sa ikinikilos ni Tyler, eh. Mabilis ko siyang sinundan at sumabay sa lakad niya. Naiwan naman sina Mirden at Jamie na mukhang hindi pa nakaka-get over sa senaryo.

"Tyler, saan ka pupunta?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Hinawakan ko ang braso niya upang tumigil siya sa paglalakad. "Ano'ng problema?" Muli kong tanong. Alam kong meron. At nararamdaman ko rin na tungkol ito sa natagpuang bangkay ni nerd guy. Kaya kung gusto kong makatulog sa gabi, kailangan ko iyong malaman.

"Kailangan kong makausap si Kuya Van," seryoso niyang sagot. I frowned. Ano namang kinalaman ng devil na yun? Hindi kaya...

"What? Is he the killer?" Tanong ko. I don't know pero parang may vague feeling akong naramdaman nang tanungin ko iyon. Yung tila hindi ko matanggap... or hindi ako makakapayag. Ewan.

"Hindi... Hindi ko alam. Basta kailangan ko siyang makita," tila naguguluhan din na sagot ni Tyler. He seems stressed. Ano kayang iniisip niya? Muli siyang naglakad. Tinatahak namin ang Boy's dorm.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Ano bang kinalaman ni Van dito?" Tanong ko na humabol sa kaniyang paglalakad.

"Yung kwintas na suot ni Andrew Novou... Isa iyong Freniere Mafia Crest. Simbolo iyon ng mga Mafia ng mga Freniere. Isa lang ang ibig sabihin nito, pinasok na rin nila ang Montello," sagot ni Tyler.

Mafia... Van Freniere. Of course, I know the Mafia thing pero--- Hindi ko namalayan na nasa pinto na pala kami ng Boy's dorm at isang humaharurot na sports car ang lumagpas sa amin papuntang main gate. Natagpuan namin si Makki na nasa labas at hinahatid ng tanaw ang kotse. Agad na lumapit sa kaniya si Tyler.

"Kuya Makki... Si Kuya Van?" Tanong niya. Nagkibit-balikat ang mukhang anime bishie at inginuso ang lumalabas na ng gate na kotse.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!