Chapter 18

9 0 0

CHAPTER EIGHTEEN

Sobrang weird…

As in sobrang weird talaga…

  “Sure ka ba na okay lang?” Tinitigan ko lang sya ng maigi. Ang weird kasiiiiii!!

“Oo nga kulit mo ah!” Sagot nya.

“Sabi ko kasi kanina ako manli-libre bakit ikaw magbabayad?”

“Ayaw mo nun nakalibre ka at wag ka nga makulit pasalamat ka na lang!” Kinuha na ni Jared yung isang gallon ng cookies n’ cream ice cream at naglakad na papuntang cashier.

“Sabi ko nga thank you. Ang sungit mo naman.” Sinundan ko si Jared sa paglalakad, “Ouch!” Walangjo tong lalaking to bigla bigla na lang titigil sa paglalakad nabungo tuloy ako sa likod nya.

Hmmm… Infairness mabango! At matigas... Ang likod nya! Kayo ah! Broad kasi yung back nya. Sarap siguro magpa-piggy backride dito. Hehehe

Wait!!! OMG! My mind! STAAAHHHPP! Nagiging makasalanan me!!

Dahan dahan humarap sakin si Jared at… “So…sorry. Di ko sadya.”

“Huh?” Si… Si Jared Zaike De Ayala nagso-sorry at nakayuko at halatang sincere sya sa pagsosorry nya dahil lang nabungo ako sa likod nya?! OMG! Ito ba nagagawa ng di nya pagkain ng ice cream in just few days??

“Uy! Grabe ka naman maka sorry wagas! Di naman ako masyadong nasaktan nung tumama ako sa likod mo. Slightly lang kasi ang tiga—I mean I’m fine.”

“No. That’s not what I meant. Sorry sa pagiging masungit.” Tumalikod sya at nagpunta na agad sa cashier. And me. I was left there standing, confused, shocked, lost…

What happened to Jared??

Bakit… Bakit parang naging MAJOR SUPER DUPER WEIRD sya??

And I fine it cutie! Ahahahah

“Huy! Saan ba tayo pupunta? Matutunaw na tong ice cream oh. Gutom na kooo!” Nagda-drive kasi si Jared ngayon sa kawalan. Di ko alam san nya ko balak dalin. Hayyy.

“Relax ka lang. Makakarating din tayo dun.” Nakangiting sabi nito. Weird talaga. Sinapian ata tong lalaking to.

Pero ang pinaka weird kay Jared is kung bakit di nya ko tinatanong or di man lang sya nagalit kung bakit di ko sya pinapansin for the past few days. Nakakaguilty tuloy.

“Uhm… Ja—“

“I know what you’re thinking.”

“You do?”

“Yes. I know. I know. Di naman kita masisisi.” Nakita ko ang seryoso nyang mukha. OMG! Alam na nya kung bakit ko sya iniiwasan?? HALA! Nakakahiya!

“Kung ganon… Alam mo na—“

“Na gwapo ako?”

“Yup. Oo. Ganu— Ha?!” Tinignan ko sya ng masama and he just smirked at me.

“Alam kong gwapo ako. Di mo na kailangan sabihin pa at di mo na din kailangan isipin pa yun. Alam na yun ng buong bayan Priscilla. Alam mo lagi ka na lang late sa balita. Tss.” His smirk is getting big and… Its pissing me off!

Lord! Pigilan nyo ko uupakan ko tong mokong na to!!

“ARAYYYYYY!!”

“SIRA ULO KA JARED!!” Kinurot ko ng bonggang bongga yung ma-muscle nyang braso! Sorry muscles kailangan turuan ng leksyon tong lalaking to!!

“Jo—Joke lang! Sorry na! Tama na masakit!!!” Nagpupumiglas sya sa upuan nya at pilit na tinatanggal yung kamay ko sa braso nya.

“Walangjo ka! Akala ko pa naman seryosong usapan yung kanina! Andun na eh! Grrrrr!!” Nakakainis! Aamin na ako eh!! LECHUGAS JARED! Panira ka talaga forevz!!!

Love at First Punch [ON HOLD :(]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!