Chapter 36: Inexpressible Love (n)

106K 1.6K 406

If I Fall Chapter 36: Inexpressible Love (n)

Isa itong Chapter 36 sa favorite chapters ko ng If I Fall. Bakit? Malalaman nyo mamaya! XD Basahin nyo muna kasi para maintindihan nyo. Bwahahaha! =))

Dedicated to lovelesspanda dahil sya ang gumawa ng BAYRUS! Sa tingin nyo, ano dapat ang pangalan ng pairing nina Barbs & Cyrus? BAYRUS o BARAKO? Isama nyo sa comments nyo ang sagot nyo!

Comment and Vote kung nagustuhan nyo ang chapter! Thank you :*

PS: LOOKING FOR MALE OPERATORS!!! Para kay Wes at Lean!!! Wala akong mahanap e! Di ko tuloy marelease yung accounts ng If I Fall characters. Kung sinong interested, gora na! Message me here or sa facebook :)

**

Those Three Words Chapter XX

 

This. Can't. Be.

 

Yan na lang ang nasabi ni Red nang makita nya sa harapan nya si Tres. She can't believe it! Tama ang hinala nya!

 

Yung babaeng humalik sa kanya before.. si Tres nga yun. Si Tres..

 

Nagpanggap na babae para makasama sya.

 

Kitang-kita sa mga mata ni Tres ang pagkagulat, dahil nabuko na ang disguise nya. Planado nya ang lahat! Tapos sa isang maling sabi ng pangalan.. dun lang masisira lahat?

 

Baliw na nga sya para magpanggap na babae at pumasok sa all-girls school nina Red. Pinakiusapan pa nga nya ang kakambal nyang si Charm para salitan silang pumasok dito. Bakit ba nya ginawa lahat ng yon?

 

Natatakot syang aminin, pero alam nya na mahal na nya si Red. Kahit weirdo pa ito. Kahit allergic pa sa kanya ang babae. Natutunan nya itong mahalin.

 

Bakit sya natatakot aminin ang nararamdaman? Simple. He almost killed her. Ang selfish nya para halikan si Red 7 months ago. Inuna muna nya ang sarili bago si Red. Bakit nya hinalikan? Just for the heck of it. To see if he really likes her. Kaso.. muntik na itong mamatay.

 

Kung kelan maayos na ang buhay ni Red tsaka sya makikisawsaw ulit? Ano na naman?

 

"Tres.."

 

Narinig nya ang mga yabag nito na papalapit sa kanya. Lalong kinabahan si Tres. Please lang, Red, usal nya sa sarili. Please lang wag kang lalapit sakin.

Ngunit tumigil si Red sa paglalakad, sakto lang sa likuran ni Tres.

 

"Tres..

I hate you."

 

***

WEDNESDAY

BARBS' POV

If I FallRead this story for FREE!