Chapter 31: Incomplete

1.1K 23 6

Chapter 31: Incomplete

"Hindi tayo makakaalis. Masyadong malakas ang alon. We're going to stay here" sabi sakin ni Monggi habang patuloy na naglalakad.

"Dito? San naman tayo magsstay dito? Wala namang bahay dito" nakatungo ako habang sinusundan siya.

Habang sinusundan ko siya may nakikita akong isang bahay. Doon ata kami magsstay.

"Lola? Nandyan ka ba?" kumatok siya at binuksan ang pinto.

"O Zuriel hijo! Bakit basang basa ka at sino yang kasama mo?" Si lola! Yung nagkwento sakin kung bakit WoodLey ang name ng resort.

"Lola! Ako 'to! Yung nakausap mo kahapon." napatingin sakin si Zuriel.

"Kilala mo si Lola?"

"Ikaw pala yan hija! Naku pasensya na. Makakalimutin kasi ako. Matanda na, e" napangiti ako.

"Naku ayos lang po Lola! Dito ka po pala nakatira. Ano po pala pangalan nyo?"

"Lola Maria. Naku basang basa pala kayo. Hala at magsibihis kayo. Mabuti na lang at may naiwan na mga damit ang mga katulong ko" napatingin ako sa paligid.

Ang ganda at ang simple lang ng bahay ni Lola Maria. May nakita akong lumang picture at panahon pa ata yun noong dalaga siya.

"Ikaw muna maligo" sabi sakin ni Monggi. Pumasok ako sa maliit na banyo ni Lola. Binigay niya sakin yung damit ng isa niyang katulong. Hindi ko na tingnan kung anong klaseng damit.

"Wahahahahahahaha! It's really suit you" napanguso na lang ako. Ang nabigay kasi sakin ni Lola ay yung uniform ng maid niya. Ayoko namang magreklamo, nakikihiram na nga lang ako.

"Naku pasensya kana talaga hija hindi ko--"

"Ayos lang po Lola." ngumiti ako at inirapan si Monggi. Nakangiti si Monggi habang papasok sa banyo.

"Pagpasensyahan mo na si Zuriel. Ganyan talaga siya pero mabait naman" sabi ni Lola ng makita niyang sinundan ko ng tingin si Monggi.

"Naku Lola. Matagal ko ng iniintindi yan. Pero bakit po kayo magkakilala? Kaano-ano niyo po siya?"

"Nagkakilala lang kami nyan ng hinahanap ko ang pusa ko at sakto siya ang nakakuha. Napakabait na bata niyan kahit medyo suplado" Sa part na sinabi ni Lola na mabait siya napatanong ako kung si Monggi pa ba pinaguusapan namin pero nung sinabi ni Lola na medyo suplado ayun si Monggi nga pinaguusapan namin.

"Matagal na kaming magkakilala niyan. At Lola na ang turing sakin. O teka eto kape uminom ka para mainitan ka" kinuha ko naman at nagpasalamat.

"E ikaw kaano-ano mo si Zuriel? Kasintahan?" napatawa ako at ngumiti.

"Sa tingin nyo po? Hahaha. Hindi po. Malabo." Ewan ko kung bakit nalungkot ako.

"Gusto mo siya" napatingin ako kay Lola dahil yung pagkasabi niya siguradong siguro.

"N-naku Lola. Nagkakamali ka." napailing ako. Sobrang labo magustuhan ko siya. Sobra.

"Hindi ko maintindihan ang mga kabataan ngayon. Bakit kailangan nyong magsinungaling sa totoong nararamdaman nyo?" Kasi..... hindi ko din alam. Gusto ko na nga ba siya? Napabuntong-hininga ako.

"Paano niyo po nasabi na gusto ko na siya?"

Nakatulala lang ako habang pinapanuod ang buhos ng ulan. Nakadungaw ako sa bintana. Kinunwento sakin ni Lola ang dating lovestory niya. At nalungkot ako kasi hindi sila nagkatuluyan. Isang maling akala ang nangyari. Akala niya pera lang ang gusto sakanya nung lalaki pero hindi pala. Palabas lang yun nung bestfriend niya na gusto din yung lalaking gusto niya.

At yung bestfriend niya at yung lalaki ang nagkatuluyan. Nakakalungkot nga, e.

"Rain rain go away hum... ummm.. ummm" napalingon ako kay Monggi na damang damang ang pagkanta ng Rain rain go away.

"Rain rain go away humm... ummm.. umm" binato ko na nga ng unan kasi yung part na 'Rain rain go away' lang ang alam. Sintunado pa.

"Manahimik ka nga. Tss kaya mas lalong lumalakas ang ulan, e. Kanta ka ng kanta" napairap ako at tumingin ulit sa labas.

Naramdaman kong tumabi siya sakin.

"Kapal ng mukha mo. Tandaan mo Yaya ka lang dito." tumingin siya sa suot ko at tumawa ulit. "Sakto. P.A. kita diba?" napairap ako at umusog ng kunti.

"Pwede ba, Next time na yang P.A. thingy na yan." narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Hoy Reign. Bakit ang ganda mo?" Kailan pa nagkaroon ng mukha ang ulan? Napatingin ako kay Monggi na nakatingin sakin.

"Lumayo ka nga sakin Monggi. Baliw ka talaga. Kailan pa nagkaroon ng mukha ang ulan?" bigla niya nalang ako binatukan.

"Ikaw ang sinasabihan ko tanga." Huh? Ay oo nga pala Yahnie Reign name ko. E yung bigkas ng Reign ko Rain, e. Sorry naman.

"Ang sakit mo talaga magsalita. Makatanga ka, a." inirapan ko siya at aalis na sana kaso pinaupo niya ulit ako.

"Hindi na ko magsosorry kasi nasaktan ka na, e. Kakantahan na lang kita" Seriosly? Sa Rain rain go away pa nga lang wala na siya sa tono pero sige na nga. Pagtyatyagan ko na lang. Umupo ulit ako sa tabi niya.

" Even though it seems I have everything I don't wanna be a lonely fool. All of the women, all the expensive cars, all of the money don't amount to you." ngumiti siya at kinuha ang kamay ko.

" I can make believe I have everything, but I can't pretend that I don't see. That without you girl my life is incomplete." at hinalikan niya ang kamay ko. Kahit hindi kagandahan boses niya kinilig ako.

Si Monggi ba talaga ang kaharap ko o Alien na nagkatawang tao lang at ginaya ang mukha ni Monggi?

His life is incomplete. Without me. Omy! Is he serious? Kasi kapag hindi. Masasapak ko siya.

--

A/N: Sana binasa nyo yung lyrics kasi sobrang ganda ng kanta at meaning niyan ;)))

NP: Incomplete

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!