Update ulit. Thanks po sa mga votes and comments :) 

-----------------

Chapter 40

-----------------

After dun sa school na yun ay bumalik na kami sa sasakyan para naman pumunta sa Holy Trinity Academy para dun naman magpromote. 

" Oh bakit ayaw niyo magtabi? " tanong ni Toby samin ni Daniel. Si Toby kasi nasa harapan kaming dalawa naman ni Daniel yung nasa likod.

" Nandidiri kasi siya sakin " sabay turo ni Daniel sakin.

" OO! diring diri ako :P " sabay dila ko.

" kikiligin ka kasi kapag lumapit sayo si Daniel . Hahahaha " sabi ni Toby

" Ha? H-hindi ah! " sigaw ko sabay hampas kay Toby

" Maglandian na kayo, hindi yung dun pa kayo sa mga schools maglalantad ng kalandian " -Toby

Bakla nga ata toh eh? mga salita niya eh. diba? diba? Toby wag naman. naging crush pa man din kita nung bata pa tayo. tsk tsk. eto namang si Daniel ngiti ng ngiti sakin. what's with him? ano ba ako clown ? nakakatuwa ba ako?

" Wag ka nga tumitig sakin ! " sabay hampas ko kay Daniel kaya napatawa siya. 

" Masama? " saay ngiti niya sakin

" OO! Ma-sa-ma! " sigaw ko. naman ee! bakit ba kasi titig ng titig sakin tong si Bhess.

" Bakit naman? kinikilig ka nuh? " -Daniel

" Hahahahaha!!!!! " -Toby

ako nanahimik na lang ako dun. napapahiya ako eh. di na ko magsasalita. bakit pa kasi pinasama tong si daniel eh. pampagulo lang. akala ko naman magiging masaya. this is a disaster. oh no! tsk tsk

biglang nanahimik na din sila nung napansin nilang di na ako kumikibo. Si Toby, text text na lang dun sa harapan. Marami yang chikababes eh. oh baka naman mga lalaki yan. naku! naku! (-___-") 

Nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni daniel yung kamay ko. 

" Bakit? " mahina kong tanong sa kanya. Pero hindi siya sumagot. Lumapit lang siya sakin at pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya. Hindi ko siya pinigilan kasi hindi ko alam yung gagawin ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Syempre, gusto ko din toh. 

Hanggang sa Nakatulog na ako.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!