"No, thanks--- Teka, paano mo nalaman na..." ibinitin ko ang sasabihin ko.

                Tiningnan niya ang kanyang kuko na may kulay red na nail polish. "Dinig na dinig ko kaya ang sermon sa iyo ni Miss Agatha dito sa labas! Poor, Valentina... Boo-hoo!"

 

                Alam ko. Hindi ako manhid. Inaasar na ako ng Kristine Cecillia na ito. Noon pa man ay talagang may silent war na kami ng babaeng ito. Magkasabay kasi kaming nakapasok sa Precious Life kaya nagkaroon agad ng tunggalian sa pagitan namin. Dagdag pa na magka-edad lang kami. Pero nakakalungkot man na aminin, mas umarangkada ang career ni Kristine Cecillia kesa sa akin. Puro kasi kahalayan ang pinagsusulat niya!

                Nag-crossed arms ako sa harap niya. "Alam mo, Kristine Cecillia...wala kang pakialam kung nasermunan man ako ng editor natin. Bakit, nadagdagan ba ng wrinkles iyang mukha mong sagana sa face lift?"

                "Oh my God! Walang wrinkles ang face ko. FYI!" eksaheradang sagot niya.

                "Wala talagang wrinkles kasi nga lagi kang nagpapabatak ng mukha mo sa derma! Tingnan mo yang nunal mo sa leeg... Three years ago, nasa pisngi mo pa ang nunal na iyan pero dahil sa kaka-face lift mo, napunta na sa leeg!" at tumawa ako habang pumapalakpak.

                Gigil na gigil na ang mukha niya. "How dare you, Valentina! Mas maganda ako sa iyo!"

                "Wala naman akong pakialam kung mas maganda ka man sa akin kasi hindi ko naman kailangan ng magandang mukha dahi hindi naman ako artista. Writer ako!"

                "So, inaamin mong mas pretty ako sa iyo?" nakataas ang kilay na tanong ni Valentina.

                Umiling ako. "Hindi, no! Sinabi ko lang ang prinsipyo ko. Saka, stop being maarte! You're not even maganda!"

                Oh, ano ka ngayon? Akala naman ng babaeng ito na porke't mas sikat siya sa akin ay hindi ko na siya tatablahin? Hindi naman ako papayag na api-apihin na lang niya.

                "Grrr!!! Kahit anong sabihin mo, Valentina...hindi ka magiging kasing-sikat ko! Hanggang diyan ka na lang! At oras na maging editor na ako dito sa Precious Life, ikaw ang kauna-unahang writer na tatanggalin ko dahil wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction!"

                Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction!

 

                Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction!

 

                Wala kang ibang alam na isulat kundi teen-fiction!

                Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga huling katagang sinabi sa akin ni Kristine Cecillia. Wala nga ba akong alam na isulat kundi teen-fiction?

Size MattersWhere stories live. Discover now