CHAPTER 11

77.5K 958 44
                                    

Guys mawawala ako ng matagal na panahon, OO AS IN MATAGAL! kaya eto muna ang last update pero pagdating ko magre-release ako ng three chapters okay ba yun?

bye!!!!



________________________________________________

PRINCESS ZELLE'S POV

"Princess bilisan mo naman baka kailanganin na naila yung materials"

Arg!! nag-iinit na dugo ko dito sa masungit na to!!

"OPO MASTER sandali lang PO ha! SINISIGURADO ko PO kasi na USEFUL to"

"Tss. Whatever"

Inirapan ko naman siya ang epal kasi eh! kanina pa ako nabubwisit!

Nandito kasi kami ngayon sa mall bumibili ng materials for decoration at para sa mga booths and prizes na kakailanganin like trophies and whatsoever pang mga kailangan. Sila Aya naman at Sam nasa school nagdedecorate na para sa monday kasama yung ibang students.

Sabado na nga pala ngayon ang bilis ng panahon.

Nung tapos ko ng mabayaran lahat eh pumunta na ako sa kanya. Kinuha naman niya yung plastics na dala ko tapos umalis na kami.

"Ang bilis mo naman maglakad hintay!" medyo mataas na boses ko kasi medyo ang layo na niya.

"Hindi ako mabilis, mabagal ka lang talaga maglakad"

"Ako pa mabilis eh halos lakad-takbo na ginagawa ko eh" Mai-stress ako ng bongga dito sa taong to!

Sumakay na kami ng jeep medyo punuan pa naman at mainit din pinagpapawisan na nga ako eh,naku naman ngayon ko pa nakalimutan magdala ng panyo eh pawis na pawis na ako kakahabol sa damulag na ta to!

Yung palad ko yung pinangpunas ko sa noo alangan naman damit eh puti suot tsaka kadiri yun no!

"Here" inabot ni Xander yung panyo niya.

Naku wag nalang no!

"No thanks"  Baka mamaya mabaho pa yan no! Tumingin naman ako sa ibang direksyon.

May nafeel naman ako na nagpupunas sa pawis ko sa noo.

"What are you doing?" may pagkaarte pa yung sabi ko.

Yung mga tao naman sa jeep pinagtitinginan kami or kay Xander lang? Halos kaedad lang naman namin kasi yung kasabay namin eh at babae pa.

hindi sumagot si xander at patuloy lang siya sa pagpunas eh ako naiilang na kaya kinuha ko.

"A-ako na, salamat" tapos kinuha ko yung panyo niya.

Imfairness ang bango ah.

SECRET HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon