Chapter 16

17.8K 333 28

Chapter 16: Pressure


(DJ's POV)

Nandito na ako sa Audi, may practice kami ngayong umaga. Di ko kasabay si Kath pumasok, ewan ko, matinding pagseselos ata ang nararamdaman ko. Di ko pa kayang kausapin sya.


Masisisi nyo ba ako kung nagselos talaga ako? Eh mahal ko sya eh. May karapatan naman ako magselos.


Pero mali ba na di ko siya hinayaang mag explain?


Lester: "Tol! Aga mo ah."

Sed: "Bat di mo kasabay si Kath?"

Katsumi: "Hinahanap ka nya samin kagabi. Nagkita ba kayo?"

Nilampasan ko lang sila. Wala ako sa mood eh. Lalo na kagabi. Nasan ako?


Flashback

Natanggap ko yung text nya, di ko alam kung bakit bigla na lang nagbago yung mood ko. Gusto kong magreply ng 'I love you too' pero kailangan kong panindigan na nagseselos ako.


Di ko rin napigilan sarili kong pumunta sa kanya. Ayokong mag intay sya, baka lamukin sya dun at kung mapano pa sya.

"Direk, una na po ako." Paalam ko. Di pa tapos pero nagpaalam na akong maagang aalis kasi may important matters pa ko.

Important naman si Kath diba.


Tumakbo ako nang mabilis papunta sa gate. Pero di ko inexpect ang nakikita ko.




Kausap ni Kath yung Khalil na yon.



Lagi ba silang nagkikita?


Nagtago ako sa likod ng puno, bakit di ko sya sinugod?! Ewan ko.



Nakita kong umalis na yung Khalil pero di pa rin ako lumapit. Pinagmasdan ko lang si Kath.


Nakita kong awasan na nila at nagtanong sya kala Lester at nadisappoint.



Pero di parin sya umalis. Mukhang iintayin talaga ako.



Nagvibrate yung phone ko.

Calling Kath 


Sinagot ko naman. At tumingin ako sa kanya. Nakatayo parin sya sa may gate.

"Dj, nasan ka na?"