x16: CJ Strikes! (part1~)

[CJ's PoV]

*tick

*tick

*tick

ARGHHHH.. Ang bagal ng oras..

Kalmado ako kung titignan nyo ko dito na nakahandusay sa kama at nakatulala sa plain white ceiling nitong kwarto ko pero deep inside, HINDI AKO MAPAKALI.

Gusto ko nang magtanghali para makita ko na si Rachel. Hindi ako makukuntento sa pagtetext-text lang namin. I need to hug her..to kiss her..to hear her voice..

OH DAMN.. I'm missing her so much.. Siguro nga TOO MUCH na tong pagka-miss ko sakanya since wala pa naman kaming isang araw na hindi nagkikita pero kasi, kasama nya si Adrian ngayon. Isipin ko pa lang na magkasama sila sa malayong lugar, parang gusto ko nang lumusob sa kung nasaan man sila at tangayin silang dalawa ni Andy.

*bzzzz*

Nag-vibrate ang cellphone na hawak ko. Alam kong text message lang ang nareceive ko kasi yung calls lang ang nilalagyan ko ng alert tones at malamang din na si Rachel ang nagtext. Sya lang naman katext ko mula pa kanina eh.

I checked my phone and hindi nga ko nagkamali. Si Rachel nga ang nagtext.

--- TEXT MSG. FROM: mhie

'on the way na kami!hehe..daming nakuha ni baby na books galing sa lola nya X3'

---

WOOH! SA WAKAS!

Napaupo na ko sabay type ng reply ko.

'yehey pauwi na sila!!maligo muna ko ah pra mkpunta na rn ako sa inyo.ingat kayo'

--- MESSAGE SENT.

Nang ma-send na yun, binato ko sa kama ang cellphone ko at nagmadaling pumunta sa bathroom for a quick shower. Then nagbihis na ko. Casual clothes for today. Busy ako mag-ayos pero ito, nagagawa ko pa ring makipag-text kay Rachel. Ganito yata talaga pag katext mo ang mahal mo noh? Ang hirap bitawan ng cellphone mo kahit may ginagawa kang iba.

Pagkabihis ko, tumungo na ko sa garahe ng bahay namin to get my car.

"Where are you going, CJ dear?" Biglang tanong ng isang babaeng nasa may main door ng bahay.

That's my mom. She's on her early 40's and tulad ng ibang asawa ng mga businessman, she is very sophisticated in every way. Sa pananamit, pananalita at pananaw.

"To Rachel's." maiiksi kong sagot at binuksan na ang pinto ng kotse ko.

"Para ano? Isn't she with her SON'S FATHER?"

I paused at her question. Ramdam ko ang pag-emphasize nya sa kung sino ang kasama ni Rachel. Tsk. Nagsisisi tuloy ako. I shouldn't have told her about Rachel and Andy spending an overnight with Adrian's family.

"She is. Pero pauwi na sila." Sagot ko sakanya. Bluntly.

"Hmm.. Is that so.. But dear, you can't go to her place right now. May iba tayong kailangang puntahan."

"WHAT?"

"You heard me. MAY IBA TAYONG KAILANGANG PUNTAHAN."

Kairita. Alam kong nananadya lang sya. "Saan naman po ba yun?"

"To one of our resto's to..to do some surprise inspection." she then gave me a smile. A wicked one.

"Bakit pati ako? You can do it alone, Mom."

"Yes I can pero ako ba ang dapat na gumawa nun? Sino ba ang tagapag-mana ng mga business ng daddy mo huh, Chris John Villarama?"

Here we go again, talking about that shit. Dahil sa mana-mana na yun nagkakaroon ng dahilan si Mommy para mabawasan ang time na ini-spend ko kay Rachel. Alam kong di sya pabor sa relasyon namin eh. She may not be saying it directly but I'm not that stupid para di mapansin yun.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!