• perfect

113 2 1
                                    

|perfect

Naranasan mo na bang maghintay? Ang hirap no? Nakakapagod din.

Yung maghihintay ka sa mga tropa mong sabi 7 daw kitaan pero 8 na wala pa din o di naman kaya maghintay sa tamang panahon. Maghintay sakanya. 'Wag kang ano. Hindi man lahat sainyo, pero may ibang naghihintay talaga para sa taong mahal nila 😊

Sa paghihintay ang daming challenges na mararanasan yung tipong susuko ka na talaga pero diba nga mahal mo? So walang susuko, dahil pag sumuko ka para ka lang nakipagusap sa hangin in short talo ka.

Kilala niyo ba si Jacob? Apo siya ni Abraham. Yep nasa bible siya. Si Jacob kasi may mahal siya, si Raquel. Pero bago niya makuha ito nag trabaho muna siya sa kapatid nito ng 7 YEARS ganun katagal. Ang daming pwedeng mangyari sa pitong taon nayun. Hindi lang yun ah! Ng matapos yung 7 years na yun dinagdagan pa. Still, hindi siya sumuko. Mahal niya si Raquel eh 😍😍😍

At the end nakuha niya rin ito. He waited patiently at talagang full effort ang ibinigay niya. Sabi niya pa nga dun parang ilang araw lang yun pitong taon na yun.

Kaya kapatid usong maghintay din 😊 Lalo na sa Perfect Timing na ibibigay ni Lord sayo soon 😘 Dahil may perfect plan siya para sa bawat isa saatin, kahit love life pa man yan 😊 At lahat magaganap sa perfect will ng Lord 😉

Kaya habang naghihintay ka ngayon... Bakit di mo muna pansinin yung palaging nasa tabi mo? Yung inalay lahat makasama ka lang sa huli 😊 Dahil ito sasabihin ko sayo, kapag kasama mo siya lahat ng gusto mo na nasa tama ay matutupad. Di siya genie, pero alam kong alam mo kung ano at sino siya. Si God. Ang Lord. Si Jesus Christ 👑

Tandaan mo ang pagmamahal ay unang ibinigay ni Lord 😇😍 Kaya 'wag kang maging bitter dyan. 'Wag mag madali. Everything has it time 😉 Always remember this three Perfect... Perfect Timing... Perfect Plan... And Perfect Will 😍😘

Godbless and lovelots 💖 x

I Am A Christian | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now