Hey! Mr. Super star you're a daddy!

5.5K 115 9
                                    

PROLOGUE:

Nagmamahal ako sa loob ng apat na taon at patuloy parin nagmamahal sa taong alam kong imposibleng maging akin

Isa lang ako sa milyo-milyong taong nagmamahal at humahahanga sa'kanya, sa dami ba naman ng maga tao na nakakakilala sa kanya kahit saan ako magpunta sya ang laman ng usapan, kahit saan ako lumingon puro mukha nya ang nakikita ko

Napakasikat na nga nya talaga, masyado nang malayo ang narating nya, isa na syang super star at iniidolo ng halos lahat ng tao

Kung yung nuon nga na hindi pa sya sikat hindi na nya ako napapansin, pero actually sikat naman na talaga sya nuon pa dahil sa taglay nyang ka-gwapohan at talento, bukod dun ay matalino pa sya, sa tutuusin almost perfect guy talga sya, kaya imposible talagang mapansin nya ako, sino ba naman ako? Isa lang akong hamak na tikahanga nya at lihim na nagmamahal sa kanya, pwera na lang kung mag a-artista rin ako, pero syembre isang illusssion lang yun, wala nga akong kahit anong talent, at mas lalong hindi rin ako kagandahang babae, hindi rin panrampa ang katawan ko, sa tutuusin isa lang akong "NOBODY" kung para sa kanya at sa mga taong nakapalibot sa mundo nya.

Pero hindi akalain na darating ang isang pangyayari na babago sa buhay ko at sa mundong ginagalawan ko, paano kung magising nalang ako na dinadala ko na pala sa sinapupunan ko ang anak ng super star na'to, ayokong masira ang career nya ng dahil sa'kin, ayokong masira sila ng babaeng mahal nya, pero paano kung hindi ko na makontrol ang mga mangayayari, habang tumatagal ay mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

HEY! Mr. Super Star You're A Daddy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon