Chapter 1: Tragedies

562K 10.3K 1.2K
                                    

Chapter 1
"Tragedies always makes me cry, therefore I hate it."

In every story there is a damsel in distress, a prince and a villain. I consider myself as that damsel in distress, I am what you call a modern day cinderella. The only good thing is that, I already met my prince.

Excited na ako dahil anniversary namin ngayon at magkikita kaming dalawa mamaya.

"Hoy, magtrabaho ka nga! Hindi yung nakatanga ka lang dyan, hindi kita pinapalamon para tumunganga lang!" Sigaw ni Tita Minerva.


Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Nagtatrabaho ako sa karinderia ng madrasta ko kapalit ng pagpapakain at pagkupkop nya sa akin. Kahit na pakiramdam ko aping api na ako, kailangan kong magtiis, wala na kasi akong magulang at sya na lang ang tangi kong masasandalan.

Pagkatapos ng trabaho ko sa karinderia, nagmadali na akong mag-ayos. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita ng nobyo kong si Sven. Hindi naman kalayuan ang lugar na yun, isa yung park na malapit lang din sa bahay kaya naman wala pang ilang minuto ay nakarating na ako sa tagpuan namin.

Maswerte ako kay Sven, magkaiba man kami ng estado sa buhay pero hindi yun naging hadlang sa aming dalawa. Simple lang sya at hindi sya matapobre, mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

Tinignan ko kung anong oras na. Sampung minuto ng late si Sven. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala, hindi pa kasi na-late kahit minsan si Sven kapag nagkikita kami.

Mas lalong nadagdagan ang pag-aalala ko nung isang oras na ang lumipas pero wala padin sya. Nagsisimula na din akong lamigin. Mukhang uulan pa dahil wala akong maaninag na kahit na isang bituin.

Baka busy sya sa pag-aaral nya o di kaya baka mayroon syang importanteng bagay na kailangan nyang gawin kaya hindi sya nakapunta. Naiintindihan ko naman ang mga ganung bagay, after all ganun din sya sa akin kapag busy ako sa mga pinapagawang trabaho ni Tita Minerva, iniintindi nya na hindi madali ang buhay ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa pagbabakasakaling darating sya pero ni anino nya ay hindi ko pa rin nasisilayan. Nagdesisyon akong umalis na lang, paalis na sana ako nung bigla syang magpakita sa harapan ko.

"Keira"

Medyo nanibago ako sa paraan ng pagbigkas nya sa pangalan ko. This is the first time that he used that kind of tone with me. Cold.

"Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko, nilapitan ko sya para yakapin pero umiwas sya.

Medyo nasaktan ako sa pag-iwas nya pero hindi ko ipinahalata sa kanya na nasaktan ako sa ginawa nya. Baka pagod lang sya o baka wala lang sya sa mood kaya ganun ang inakto nya.

Umupo ako sa bench. Tumabi sya sa akin pero medyo naglagay sya ng konting distansya sa pagitan naming dalawa.

"May problema ba?" Seryosong tanong ko. Iba ang nararamdaman ko kay Sven ngayon kaya diretsahan ko na syang tinanong.

"Keira Let's break-up" sagot nya.

"Bakit?" Tipid na tanong ko.

Madami akong gustong itanong pero yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Naghintay ako ng kasagutan pero hindi nya ako sinagot. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagpatak ng luha ko. Tinignan nya ako pero wala akong makita kahit na anong emosyon sa mata nya.

Tumayo sya at naglakad palayo kaya naman mas lalo akong nasaktan sa ginawa nya. Ganun na lang ba yun?

Hinabol ko sya at paulit ulit kong tinawag ang pangalan nya. Pero kahit na anong tawag ko sa kanya, hindi sya huminto o lumingon man lang.

Why? Did I do something wrong? What is the reason? Wala akong maisip na dahilan.

To make matters worse, it started to rain. Perfect timing. Mukhang nakikiisa ang langit sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.

Basang basa na ako ng ulan pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Wala na akong pakialam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao.

This was supposed to be the happiest day of my life but it was the exact opposite. I have never fallen in love but he made me do it. He promise not to break my heart but he just did. He was my first love and now he became my first heartbreak.

******

⚜️

Author's Note:

-This chapter started it all, kung hindi dahil sa chapter na ito, hindi siguro aabot sa 10M reads ang CIMTAG.

-Don't forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon