Naks! May boypren ata. Ayun, nagkiss. Boypren nga?

                (A/N : Huy! Tsismoso ka ah! Haha)

                Ay sorry naman author. Na-curious lang :p

                Di sila magkasama ni Joan. Sa kabilang building kaya. Ayoko, malayo din tsaka di naman siguro pupunta yun dun!

...

                Ahhhh alam ko na kung nasan yun!!!

| DENISSE's POV |

                "HOY!!"

                Ay kabayo! Nakakagulat ka naman, dre!! Bigla-bigla na lang sumusulpot tong si Arick! 

                "Ano ginagawa mo dito hah?" tanong ko sakanya, pwesto ko to! Bawal ka dito noh?

                "Bakit masama? Sayo ba tong rooftop?!"

                "Tssss!" inirapan ko na lang siya. Ayaw ko na makipagtalo. Sayang lang boses ko -__-

                "Hinaha- I mean may bibigay pala ko sayo!!"

                "Hinahanap mo ko? Bakit?" ano ba yan? Kailangan ako sigawan lagi. 

                "Anong hinahanap? Wala akong sinabing ganon noh!!" Sus, deny ka pa. Okay fine. 

                "Bat ka andito kung di mo ko hinahanap?" 

                "EH HINDI NGA!!. Arghh! Oh!!" sa tono ng boses niya, halata sa kanya na asar siya :p

                Binato niya sakin ang isang papel. Bastos talaga. San ka bang pinaglihi kang bata ka? 

                "Kaya nga! Hinahanap mo ko para ibigay to! Ayaw pa aminin!" pabulong kong sabi habang binubuksan tong papel, grabe naman pag-fold niya dito. 

                "Ano???"

                "Wala, wala!"

                Binuksan ko na ang papel at binasa ang nakasulat dito..

__________________________________ 

Gym Schedule

Monday : 3-6pm

Tuesday : 2-5pm

Wednesday: 2-5pm

THURSDAY -- 

Friday : 3-6pm

Saturday : 3-6pm

1 cup of rice every meal;

After 6pm bawal na kumain;

Fruits and veggies lang dapat kainin; 

Less pork and beef;

No to fastfoods;

No softdrinks/iced tea;

Magtubig ka na lang!!

___________________________________ 

                WWWAAAAAAAAHHHHHHHH??

                ⊙▂⊙ 

                Grabe naman yung nakalista dito sa papel na to!!! Wala namang awa tong Arick na to sakin eh! Baka naman mamatay ako sa gutom at pagod nito!!

                "SE..SERYOSO TO?!?!" 

                "Oo bawal ka magreklamo! Nagkausap na kayo ni mama diba? Bawal ka na magback-out!!"

                Tinatanong lang naman kita eh. Bat ka gigil lagi?? Hindi naman ako magbaback-out?

                "Oo nga.. Per-?

                "Yun pala eh. Wala nang pero-pero! Start tayo bukas!!"

                "Bukas agad eh! Ma-" hindi niya na ko pinatapos magsalita, umalis na siya kagad. Nice talking, Arick! 

================================================= 

Dear diary,

Napakabait talaga ni Arick noh? Napakasarcastic ko naman! -___-

~sexybaboy

=================================================

BAD ARICK, BAD!

Bitin ba? Sorrry, isipin na teaser lang to okay? Teaser hahahaha

at may TEAM RED dito? Hindi ko na siya napapansin eh, sorry! HAHAHA Bad author =))) next time promise, siya naman! hihihi

...again, THANK YOU TALAGA! Super daldal ko ngayon, overwhelmed lang talaga ako sa mga feedback niyo : ) ♥ ♥ ♥

Diary ng Tababoy.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt