Chapter 38: The Past

110K 1.9K 68
                                    

Chapter 38

4 years ago:

"Wake up, sleepy head." malambing na turan ni Mommy Nadia sa kanyang anak.

Hindi pa rin gumigising si Amara sa tawag ng kanyang ina, kaya naman nagsalita itong muli nang, "Amara Grace, mahuhuli ka na sa klase mo." maawtoridad na sambit nito sa dalaga.

Napabalikwas naman si Amara sa kanyang pagkakahiga, dahil narinig niya ang boses ng kanyang Ina, "Mommy what time is it?" she said while yawning.

"Just so you know young lady? it's already 6:30 in the morning. Take a quick shower first, breakfast is ready."

"Oh my! I'm late, I'm late!"

Nagmamadaling tumakbo si Amara sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili, para sa pagpasok sa eskwelahan. Ginawa niya ang kanyang morning rituals at nang matapos ay nagmamadali na itong umalis.

"Bye mommy." sabay halik kay Mommy Nadia.

"Hindi ka ba kakain?" pagtatanong nito sa dalaga.

"Sa school na lang po Mommy, I really have to go na po."

"Okay take care pumpkin, love you." hindi na naman narinig ito ni Amara dahil nakalabas na ang dalaga sa kanilang tahanan, para ihatid ng driver sa school.

Madali namang nakarating si Amara sa eskwelahan dahil walang traffic. Dahil sa sobrang pagmamadali, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabangga ito sa pader este sa lalaking nasa harap niya ngayon. Tumilapon ang mga gamit ni Amara sa sahig, na kaagad naman niyang pinulot.

Tinulungan naman s'ya ng binatang damputin ang iba niyang gamit, kaya't napatingin si Amara sa mukha nito. Nang magtama ang kanilang paningin natulala si Amara sa kanyang nakita.

"Shemay na palaka ang gwapo!" palihim niyang sambit sa kanyang sarili.

"Miss sorry di kita nakita." saka iniabot ang libro ni Amara.

"Ookay lang, sorry din late na kasi ako eh."  nahihiya niyang saad sa binata.

"By the way, I'm Zander." saka inilahad ng binata ang kanyang kamay.

"Amara." nakangiting sagot ng dalaga saka nakipagkamay dito.

"3rd year ka rin ba?"

"Yep, room 328 ako, ikaw?" interesadong tanong ni Amara rito.

"Sa room 330 lang ako, tara sabay na tayo." anyaya ni Zander bago sila nagsimulang maglakad.

Nahihiya man ay kibit balikat na lang na tumungo si Amara, saka naglakad sa hallway papuntang classroom.

"Sorry talaga kanina ahh." hinging pasensya muli nito.

"Ayos lang, sige una na'ko. Bye." pamamaalam ng dalaga bago tinungo ang kanyang classroom.

Dahan-dahang pumasok si Amara sa kanilang klase. Sa likod niya naisipang dumaan at mabuti na lang at nakatalikod ang kanyang teacher, kaya mabilis niyang tinungo ang kanyang upuan.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon