Chapter Eight

46 3 0
                                                  

Isang linggo ko nang hindi nakikita ang magpinsang sila Migs at Phoenix sa KAISTAL.

Psh. Ayos din yang si Phoenix eh. Tutulong daw siya sakin pero hindi naman nagpapakita. Hayy, ano bang inaasahan ko. =_=

Tiningnan ko ang wall clock na nandito sa staffs' room. 12 noon na pala.

Mag-isa lang akong uuwi ngayon dahil absent si Blaire. May emergency daw sa kanila eh, sabi niya sa text niya sakin. Ewan kung anong emergency, hindi ko na din tinanong.

Pagkatapos kong mag-time out ay dumiretso na ako sa terminal ng bus pauwi. Pero bago pa ako makarating sa terminal, may tumawag na sakin.

"EL!"

Lumingon ako dun at nakita ko si Phoenix na humahabol sakin. "Phoenix?"

Hinihingal hingal pa siya nang makalapit sakin. Anyare dito? "T-Thank goodness.. I catched up with ya.."

"Eh ano bang kailangan mo?"

"Your answer, right?" tumayo na siya ng ayos. "I asked ya out on a date last week."

Ay punyemas. Wala pa din akong maisagot dun eh. Hindi sa feeling chiks ako, kaso hindi ko naman line ang pakikipag-date at medyo hindi ako sure at komportable sa bagay na yan na sinasabi ni Phoenix.

"Ah.. Oo nga pala.." yan na lang ang sinabi ko. Pero ano ba talagang isasagot ko sa kanya?

"So? Your answer is?" namulsa pa siya.

"Friendly date lang ba to?" ewan kung anong hangin ang umihip sakin kaya ko naitanong yan. "Sabi mo kasi, gusto mo lang tumulong."

Nag-smirk siya. "That depends on you, EL. How d'you take my offer, missy?"

Huminga ako ng malalim. "Para sayo, anong klaseng date ba to?" ibinato ko lang sa kanya ang tanong niya.

Ang echos ko din. Haha. Ako na nga ang niyayakag sa isang date ng pogi, ako pa madaming alam.

"I'd look at it dependin' on how you're goin' to take it. If you take it as a friendly date, fine. If you take it as a romantic date, so be it."

Ay buset. Sakin pa din ang final decision kung anong klaseng date to. Ano nga ba?

Ahhh~ BAHALA NA NGA LANG.

Nagbuntong hininga ako. "Kailan ang date natin?"

Nag-smirk na naman siya. "Tomorrow at... hmm, let's see.. 3 PM. Is that alright wit' ya?"

"Epic." =_=

"HAHAHA. C'mon! So... is it okay now wit' ya, EL?"

"Sige na, sige na. Magulo kang kausap."

"Look who's talkin'."

Siniringan ko siya kaya tumawa na naman siya. Weird. Sino ba namang matino ang tatawa pa kapag siniringan na.

"I'll pick ya up here in this terminal. Ya just wait."

"Ako pa talaga ang maghihintay?" =.=

"Kiddin'! So is it settled then?"

"Oo na."

"Yeah!" nakipag-high five pa siya sakin.

AY SHETE. Bakit ako pumayag. O_O

Lalake siya, parepareho lang ang lahat ng lalake. A boy is equal to a life-threatening danger nga di ba. At higit sa lahat, PINSAN SIYA NI MIGS. Iisa lang ang lahi nila. O_O

Pero hayaan na nga lang, hindi naman ako magkakagusto dyan kay Phoenix at saka tropang tropa nga ang tingin ko sa kanya eh.

"Bye, EL! See ya tomorrow!" kumaway pa siya bago tuluyang umalis. Hindi bagay ang pagka-isip bata niya sa tangkad niya. =_=

The Past, The Love, The MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon