Chapter 52 I'm Hurt

11.2K 282 21
                                    


52: I'm Hurt

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»




Hindi ko na tinapos ang party ni Aiden. Pumunta na agad ako sa room namin nila Kyla at pinilit ang sarili kong matulog. Hindi na kasi kinaya ng sarili ko na mag stay pa sa party na iyun. Pati yung puso ko, hindi na rin niya kayang pigilan yung nararamdaman niya. Sobra sakit na niya at pakiramdam ko anumang oras gusto na niyang bumigay....



Nalulungkot ako para kay Ethan. Para sa taong gusto niya. Tama nga sila, minsan pinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi naman para sayo. At hindi napapansin ang taong andyan lang naman sa tabi mo, hinihintay na mapansin mo.


Pero wala eh. Pag gusto mo talaga kahit na hindi ka gusto. Gugustuhin mo pa rin. Hays. Siguro ganun talaga yung Love. Unfair.



"Hoy tulala girl!!" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Kyla. Liningon ko siya at sumalubong agad sakin ang kilay niyang salubong din.


"Kanina pa kita tinatawag! Kanina ka pa nakatulala dyan sa hotdog na tinutuhog mo! Buti at hindi mo natuhog yang daliri mo!" Bulyaw niya sakin. 



Oo nga nuh? Buti at hindi ko natuhog ang daliri ko. Mag-iihaw kasi kami nang barbecue at hotdog ngayon. Sina Kyla at Ate Dianna ang nagpapabaga sa ihawan at ako naman ang nagtutuhog sa mga hotdog. Tuhog na kasi yung barbecue.



Napagdesisyunan kasi naming tatlo na magsarili. Dahil tulog pa ang mga boyfriend namin dahil sa party kagabi. Sobra kasing nagsaya kaya sobra rin naglasing, tsk. Si Kiel kaya? Maayos na kaya ang pakiramdam niya?



"Hays! Mga tulog mantika naman yung mga boyfriend natin!" Irritadong reklamo ni Kyla habang nagpapaypay sa ihawan. Linagay ko na sa lamesa na malapit sa ihawan ang lalagyan nang mga barbecue at hotdog.


"Hayaan mo na Kyla. Atleast ngayon ma-eenjoy natin 'tong mini picnic natin nang wala ang mayayabang pero gwapo nating boyfriend." Nakangiting sambit ni Ate Dianna samin.



"Yah right!!" Masiglang pag sang-ayon ni Kyla.

"Maiba ako Jassy.." Panimula ni Ate Dianna. Tinaasan ko lang siya nang kilay. 



"Hindi pa ba kayo nagkakabati ni Kiel?" Tanong sakin ni Ate Dianna. Umiling lang ako sa kanya bilang kasagutan ko.


"Aww sana magka-ayos na kayo bii!!" Nginitian ako ni Kyla ng napakatamis. Tipid lang ang ngiting naisukli ko sa kanya.



"Alam mo ba Jassy, kagabi si Kiel? Tinungga niya yung isang malaking bote ng alak. At sinasabi niya na.....ano yun?" Nag-isip si Ate Dianna dahil tila nakalimutan niya ang sasabihin niya.

What Love Can Do? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon