Author's Note:

Up again! Yay! So this is my apology--- a double chapter update treat! Haha. And for those who waited, for those who pressured, for those who became a fan, for the votes, for the comments and messages and all the reads, SALAMUCH!!! Really means a lot to me. It's like, 'Hey, Dork. Welcome back to the city!' Haha. And I still miss the sea. :( 

Oh, well. *pulls up the mat* I'll shut up now. ;-)

+Siel Alstreim+

************************************************************************************************************

Chapter 8: The Punishment (Part 2)

Sa cafeteria, nararamdaman ko sa likod ko ang mga sulyap na ibinibigay sa aming dalawa ng mga estudyante habang pumipili kami ng pagkain. I don't really like and need attention, especially right now na mukhang kalat na sa buong Montello High na pinarusahan akong maging Janitress. Hindi naman talaga kasi ako kasama sa riot kagabi sa 6th floor para mapatawan ng punishment katulad ng mga gangster na nagko-community service sa labas. The president just can't get over with what I did with Van. At dahil nga sa sinuntok ko ang impaktong yun---

"Ano'ng gusto mong kainin?" Ethan asked.

Yeah, another thing is I'm with his gangster friend. Hindi ba dapat hindi niya ako pinapansin o dapat ay pinepeste niya rin ang buhay ko since apparently, their leader and I hated each other?

"Pizza. Cake, slice of Chocolate mousse. And that spicy fried chicken and rice."  Today has been so stressful at kailangan kong mag-vent sa mga pagkain. Good part of me is, kahit kainin ko ang pagkain ng buong mundo, hindi ako tumataba.

"Wow. Pang-isang linggo na ba 'to?" Ayan na naman ang ngiti niya habang inilalagay sa tray ang mga sinabi kong items. He will definitely need a second tray.

"You're going to pay, right? I'm just simply taking advantage of your generosity," walang emosyong sagot ko. Pero kung wala siyang balak na ilibre ako, kaya ko namang bayaran ang mga in-order ko. Yung nga lang, kailangan kong tipirin ang sarili ko mamayang dinner. Mukhang may point ang sinabi niyang good for one week ang gusto kong kainin.

"Mukhang may tatalo na kay Makki sa pagiging food monster," aniya habang binabayaran sa counter ang in-order namin. He got seafood pasta and hawaiian pizza for his own. And also a Mountain Dew and a pack of cigarettes. Hmmm.... Appetizer? Parang wala namang tinitinda sa cafeteria na yosi, saan niya kaya iyon nakuha?

Dumiretso na kami sa bakanteng mesa and that was the one in the middle, which, in my opinion, is the most uncomfortable place at the moment dahil lahat yata ng atensyon--- Black Government, Dark Monarch, gangster or not, weak or imba--- ay nasa amin. Why am I getting too much of this? Agad kong nilantakan ang pagkain ko sa mesa para lang makaiwas sa tingin ng marami at sa mga nakaka-conscious na sulyap ni Ethan.

"Hey, Blonde Chinito. Bakit mo pala ako nilibre ng lunch?" Tanong ko.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!