Chapter 43: KKK

Magsimula sa umpisa

"You'll stop or I'll cut your future?" Napahawak naman sa future si Keon.

"Yung kay Nathan na lang, madaming iiyak kung mawawala si-"

"Ano ba nandito ba kayo para kamustahin ako o nandito kayo para bwisitin ako?" Irita kong sabi sa kanila. Nakakainis na ha.

"Syempre baby Kail para bwisitin ka" Malanding sabi ni Keon. Eww

"BABY?" Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo kaya napatakip ako ng tenga. Nagulat na lang ako ng nagsisiliparan ang sapatos ni Kaizer, tatlong dagger ni Nathan at... at.. teka. Panty at Bra na galing Kyle?

"Tangna naman Kyle, sa lahat na lang ng itatapon mo bra at panty pa. Takte ang baho, di ba naliligo may ari nito" Nandidiring winagayway ni Keon ang bra at panty. Natawa pa nga ako kanina na saktong tumama sa mukha niya yung panty eh haahaha.

"Psh, nilagay sa pantalon ko eh. Wala akong mabato kaya dumukot ako sa bulsa ko. Malas mo pre yan nadukot ko"  Cold na sabi ni Kyle. FYI lang po hahaha malalim po ang bulsa ni Kylr kaya nagkasya tsaka duh baby bra ata yun, anliit eh.

"Tss, playboy" Malamig na sabi ni Nathan.

"Nagsalita ang founder Hahaha" Natatawang sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin kaya inirapan ko lang siya. Makapagsabi na playboy eh number 1 nga siya dun.

"Hmm, you're the only girl I love Kailley" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Nakakahiya nandiyan yung mga KKK.

"Talaga lang ah? Sino si Mitch? Si Veronica at si Venven" Mahina na ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan ni VenVen, ang babaeng minahal, I mean mahal niya mula nung bata pa sila.

"Who's Mitch and Veronica?" Nakakunot ang noong tanong nito.

"Ayan napakababaero mo kase kaya nakalimutan mo ang mga babae mo. Si mitch yung girlfriend mo di ba, yung akala kong ikaw yung ama ng anak niya. Sino si Veronica? Siya lang naman yung BABABAENG KAHALIKAN MO SA BAHAY. Letse ka nagdala ka pa talaga ng babae sa pamamahay ko" gigil na sabi ko .

"Tss, playboy nga" -Kaizer

"Well,  its in our blood" - Kyle

"Hahaha, yuck naman Nathan. Bakla nga kayo ni Kyle. Bakla lang ang kayang maghanap ng iba, ang paglaruan ang feelings ng mga babae. Tss, dapat sakin ka na lang Kailley eh" -Keon. Aba loko tong isang to ah.

"Say bye" Sabay na sabi ni Nathan at Kyle nang kumuha sila ng baril sa bulsa nila at tinutok kay Keon.

"Kayo naman di kayo mabiro hehehe" Namumutlang sabi ni Keon pero di nakinig ang dalawa ang hinugot ang trigger ng mga baril nila.

"Nathan Ace Frenierr, Kyle Milne put your guns down oh ako ang papatay sa inyong dalawa wag niyo ako galitin" Madiin at malamig na tonong pagkasabi ng mga salitang yon sa kanila. Magkapatid nga ang dalawang ito, mga isip bata 

Di pa rin binababa ni Nathan at Kyle ang baril nila kaya bumangon ako at kinuha ko ang ang dalawa kong perfume sa mini table ko. Malas nila bote ang lagayan ng perfume ko. Binato ko sa dalawa ang hawak hawak kong perfume at sapol sa ulo nila, pasalamat sila di nabasag. Parehas namang napadaing ang dalawa sa sakit.

"Ayan ang kukulit niyo kase eh. Gusto pa masaktan eh. Ginusto niyo yan" Parang nanay na sermon ko sa kanila. Tumingin ako kay Kaizer at ngumiti ito kaya nginitian ko siya pabalik at bumaling naman ang tingin ko kay keon. Tinignan ko siya ng masama kaya nagpeace sign ito at nangamot ng ulo. Kalalaking tao may kuto tss.

"Kawawa ka talaga dyan sa asawa mo Nathan, ang amazona" Naiinis na sabi ni Kyle habang hinihimas pa rin ang ulo.

"ASAWA?" Gulat na gulat na tanong ni Keon at si Kaizer naman ay napasinghap at natahimik. Uh-oh patay na ang daldal kase ni Kyle eh.

"KYLEEEEE MILNEEEEE" Sigaw ko at pinagbabato kung ano man ang makuha ko. Letse siya.

Lumapit sakin si Nathan para patigilin ako pero tinulak ko siya. Grrr ang daldal talaga niya kahit kailan.

"Kailley stop" pigil sakin ni Nathan. Di ko siya pinansin at patuloy pa rin ang pagbabato ko kay Kyle at patuloy pa rin ang pag-ilag niya.

"Waaaaa may asawa na ang crush ko" Ngawa ni Keon at papadyak padyak pa ng paa. Jusko isip bata talaga kahit kelan.

"Kailley baboy ano ba tumigil ka na" Sigaw ni Kyle.

"Aba sinisigawan mo ako ah. Ano tawag mo sakin BABOY? Humanda ka" Binuhat ko ng upuan at handa nang ibato kay Kyle at pinipigilan pa rin ako ni Nathan.

"Waaaaaa broken hearted ako huhuhu waaaaa may asawa na crush ko. Waaaaa wala na akong pag-asa huhuhu" Narinig ko ang pag-ngawa na naman ni Keon, buti pa si Kaizer tahimik lang.

"Kailey, okay lang naman na malaman nila" Sabi ni Nathan habang kinukuha ang upuan sakin kaya nag-aagawan kami ngayon ng upuan.

"ANONG OKAY? IKAW NA NGA ANG NAGSABI NA DI PWEDENG MALAMAN NG IBA TAS NGAYON PAOKAY OKAY KA PA DIYAN! ANG GULO MO NATHAN! ANG GULO GULO NG BALUNBALUNAN MO!"

"Bat naman nadamay ang balunbalunan ko dito wife?" Takang tanong ni Nathan.

"WALA PARA MAIBA NAMAN! ANO BA BITAWAN MO NGA YUNG UPUAN"

"Di ko bibitawan ang upuang ito wife, ayokong manakit ka. Okay lang naman na malaman nila na mag-asawa tayo para alam nilang akin ka, at di ko hahayaang mapunta ka sa iba dahil sakin ka" May pagmamahal sa boses ni Nathan ng sinabi niya yung mga salitang iyon kaya nabitawan ko ang upuan.

"Waaaaaaaa ala na ala na talo na ako waaaaaaaa" ngawa na namn ni Keon.

Kinuha ni Nathan ang kamay ko at nilagay ito sa kaliwang dibdib niya, dama ko ang lakas ng pagtibok ng puso niya.

"Remember this wife, when everything is okay I'll tell the whole world the you are Kailley Venice Frenierr, my wife" sabi ni Nathan sabay halik sa noo ko .

"Tss, so gay" Nandidiring sabi ni Kyle at si Kaizer ay tahimik pa rin.

"Waaaaaa wala na talaga wala na talaga ang sweet nila. Waaaaaaa I wanna die" Tss ngawa ni Keon at napatawa na lang ako ng nakahalumpasay na ito sa sahig.

"Look at me wife, wag kang tumingin sa iba, ako lang dapat ang tinitignan mo, ako lang dahil ayokong magselos at baka mapatay ko ang isip bata na yan" Naiiritang sabi ni Nathan kaya napatawa ako ng mahina.

"Hmm, my so sweet cold bad boy huh" Nakangiti kong sabi dito.

"Only to you wife" sabi nito at hinalikan ako sa labi. Gumanti na rin ako at wala na akong pakialam kung makikita ng tatlo.

Sana ganito na lang kami palagi na masaya lang at sana ako lang, ako lang ang laging nasa puso niya.

Ms_CupcakeLover

Bukas na lang yung isa kase para di kayo mabigla. Iready niyo na bukas ang mga sarili niyo kase intense ang mangyayari kaya medyo lame siya ngayon.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!