Pagbaba mo palang ng sinasakyan mo e, bawas na agad ang alahas mo! O sa'n ka pa? Kaya... WAG NA KAYONG PUPUNTA DITO!  'Di naman sa ayaw ko kayong pumunta dito. HAHAHAHA


Kaya nga buti nalang wala akong pambili ng alahas. 


Pero 'pag gabi lang naman nangyayari ang kababalaghan na 'yon.


Kaya kung dadalawin niyo ko ng umaga, okay. 'Wag lang kayong mag-oovernight sa bahay ko, bukod sa 'di tayo kasya e basta... 'Di din kayo makakapunta, kasi 'di niyo naman alam address ko. 'Yun lang yon!







"Wiit weew! Uy, hanjandajanda naman necho who!"

"Huonga 'noh halikha fre!"


Kadiri naman 'tong mga 'to, parang tatay ko na, dalawa lang sila. So ngayon, lakad takbo naman ang peg ko.


Halaa! Sumusunod sila! Tulong naman dyan! Hala ka! Cool kalang Pichi. Lakad takbo pa! Makakauwi rin ako ng buhay ang puri.

Palapit na sila ng palapit.


"Weet lang mis byowtepul! Magshaya thayu! HAHAHAHAHA!"


Takbo na! Halaa! Kapag sumunod pa ang mga damuhong 'to ako'y so dead!  Dead end na ang kasunod! Gusto ko pa magkaboyleeet! Gusto ko pang maranas yung paglelabor sa panganganak! Kaya takbo Pichi takbo!  *tanggal ng sapatos* Sayang ang dugo't pawis ko pag hinagis ko 'to sakanila, hindi pa naman ako shooter...


4 meters pa ang layo nila! Takbo pa Pichi! Takbo!


Biglang may pumarada na isang mamahaling sasakyan.


Aaaaah! Ang sinag naman! Umaraw agad?!


Ko-kotse? Kotse!


Kinatok ko na agad yung bintana, 


Pichi: Tulong po tulong po! May mga rapist na nanghahabol sa 'kin


*katok ulit sa bintaba ng sasakyan* Ayaw buksan! Ano ba 'to?! May gana pa talagang magmomment dito. O dito siya magpapaark?! O baka naman papanoorin niyang mawala ang dignidad ko at vivideohan niyo tapos tapos... magkaka-scandal ako tapos tapos... Hindi na ako lalabas ng bahay dahil sa kahihiyan. 'Di na ako makakabili ng pagkain sa labas kaya mamamatay ako sa gutom. AYOKO! 2 meters nalang. Buksan mo naman! *katok sa bintana ng kotse*

Nang biglang...


Buksan ni fafabols ang pinto. Wapoise! Bagsak ang lola niyo.


P-prince ch-charming?


Bumaba na siya ng sasakyan. Tumingin sa akin. Sabay sabi ng "Tsk!".

Just a Contract Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon