Teka nga... Hila mo, preno ko. *hila sa tali*

Aba effective. Bumaba na si ate. 'Di na ulit ako makakatulog nito. Nilibot ko yung paningin ko.

NASAAN AKO?! Pakabila 'to!

*kalabog sa dingding ng jeep*

Pichi: MANOOONGG PARAAAAAAA PARAAAAAAAA!

Ang bingi naman!

*kalabog sa dingding ng jeep*

Pichi: MANOOONGG PARAAAAAAA PARAAAAAAAA!

*preno ng malakas*

Manong driver: HOY! ANO BA?! MAY PAMALIT KA BA 'PAG NASIRA YAN?!

Tatlo nalang kaming pasahero niya. Si ateng ang lakas makapag wave ng buhok parang walang katabi at balak akong busugin ng buhok niya at amoy ng Metro Manila. At si ate na kilig na kilig habang nakatutok sa phone niya.

Pichi: Sus manong naman. eto ho oh bayad. Sabay lapit sa harap.

Manong driver: Ano 'to?!

Pichi: Sais po!

Manong driver: AKO BA TALAGA BWINIBWISIT MO?!

Pichi: SA KANTO LANG HO ÝAN ESTUDYANTE!

Manong driver: WALANG ESTUDYANTE! LINGGO NGAYON! Sabay balik nung bayad.

Pichi: Aba manong grabe ha! Bababa nalang ho ako! PARA!!!

Ang dakilang palusot ng ayaw gumastos....

/END OF FLASHBACK

Pambili rin ng Ariel 'to charot! Dagdag ko na 'yun sa baon ko para bukas. Kaya ng dahil kay manong driver na ayaw magulangan ng inyong napakagandang lingkod...  lakad ang eksena ko.


 



Siguro 30 minutes nalang at makakauwi na ko. At 30 minutes pa na pahinga, pwede na 'yon kaysa wala diba?

 







Tagay, tagay, tagay everywhere ang tourist destination ng mga lasingero sa kalyeng 'to. Syempre 'di magpapahuli ang mga magnanakaw... Kidnapper... Carnapper... At kahit anong napper pa yan! Nandito lang sa amin matatagpuan!

Pagbaba mo palang ng sinasakyan mo e, bawas na agad ang alahas mo! O sa'n ka pa?

Kaya... WAG NA KAYONG PUPUNTA DITO!  'Di naman sa ayaw ko kayong pumunta dito. HAHAHA

Kaya nga buti nalang wala akong pambili ng alahas.

Pero 'pag gabi lang naman nangyayari ang kababalaghan na 'yon.

Kaya kung dadalawin niyo ko ng umaga, okay. 'Wag lang kayong mag-oovernight sa bahay ko, bukod sa 'di tayo kasya e basta... 'Di din kayo makakapunta, kasi 'di niyo naman alam address ko. Yun lang yon!







"Wiit weew! Uy, hanjandajanda naman necho who!"

"Huonga 'noh halikha fre!"

Kadiri naman 'tong mga 'to, parang tatay ko na, dalawa lang sila. So ngayon, lakad takbo naman ang peg ko.

 





Halaa! Sumusunod sila! Tulong naman dyan! Hala ka! Cool kalang Pichi. Lakad takbo pa! Makakauwi rin ako ng buhay ang puri.

Just a Contract Girlfriend (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!